^

PSN Opinyon

Ang Digong-Xi meeting

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

May nilabag bang protocol si dating Presidente Duterte sa pakikipagpulong niya kay Chinese President Xi Jin Ping?  Sabi ng iba, wala. Ito raw ay pribadong pag-uusap­ ng dalawang magkaibigan. Ordinaryong mamamayan na lang daw si Duterte kaya hindi dapat mabalot ng kontrobersiya ang kanyang pakikipagtagpo sa Presidente ng China. Isa pa, siya ay tumugon lang sa paanyaya ni Xi.

Ano nga ba naman ang masama sa pag-imbita kahit pa ng isang head of state sa isang kaibigan? “Mayroon,” sabi ni dating Senador Franklin Drilon sa isang panayam sa radyo. Si Duterte, kahit pa hindi na presidente ay hindi ordi­naryong tao. Taglay pa rin niya ang impluwensiya ng isang iniluklok na leader ng nakararaming Pilipino. Ang opin­yon niya ay ituturing pa ring damdamin ng buong sam­ba­yanan, ani Drilon.

Dahil diyan, obligado si Duterte na isiwalat sa publiko­ ang pinag-usapan nila ni Xi at baka ito ay may implikasyon­ sa ating foreign policy na tanging ang nakaupong President lang ang maaaring mag-amiyenda bilang chief architect ng patakaran sa foreign relations ng bansa. Hindi ito simpleng usapin. Hindi nagtutugma ang patakaran ni Presidente Marcos sa dating patakaran ni Duterte.

Si Duterte ay tahasang nagpahayag ng galit laban sa U.S. samantalang si Marcos ay nakikipagtulungan dito lalo na sa pagpapaigting ng military cooperation ng dalawang bansa. May pagkakataon pa na kinansela ni Duterte, nang siya pa ang Presidente ang visiting forces agreement (VFA) ng Pilipinas at U.S. Sa liderato ni Marcos, ito ay lalo pang pinalawak upang makasama rin sa military exercise ang mga bansang kaalyado ng U.S. gaya ng Japan.

Sabihin man ni Marcos na ginawa ito bunsod ng policy­ ng Pilipinas na tayo’y kaibigan ng lahat ng bansa at wala tayong kaaway, ito’y isang bagay na nakaiirita sa China dahil sa umiiral na geopolitial tension. Kaya marami ang naiintriga at ibig malaman kung ano ba talaga ang pinag-usapan nina Duterte at Xi. Nakahanda ba si Duterte na sabihin sa publiko ang laman ng kanyang pakikipagtalakayan kay Xi?

Puwede naman siyang umimbento ng istorya na ang pakikipag-usap niya kay Xi ay pulos kumustahan lang at walang tinalakay na issue hinggil sa ugnayan ng dalawang bansa. Sino naman ang maniniwala riyan? Kung kumustahan lang maaari itong gawin on-line. Sinabi ng isang source mula mismo sa embahada ng China na si Rodrigo Duterte ang itinuturing ni Xi na “pinakaimportanteng kaibigan” sa Pilipinas. Malinaw na si Duterte ay puwedeng gamitin ng China sa pagsusulong ng interes nito porke wala itong maaasahang suporta mula kay Marcos na maliwanag na kumikiling sa U.S.

XI JIN PING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with