^

PSN Opinyon

Estomo, may green light kay Azurin sa trip sa Baguio!

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Inigyan pala ng pagkataon si PNP chief Gen. Junaz Azurin­ na pigilin si Maj. Gen. Jonnel “Esto” Estomo sa kinamuhian n’yang “papicture, picture” sa drug haul sa Baguio City. Bakit hindi n’ya ginawa? Kumalat kasi mga kosa ang screenshot ng pag-uusap nina Estomo at Azurin kung saan nagpaalam ang una sa kanyang CPNP na tutulak s’ya sa Baguio City noong March 29 para i-supervise ang implementaion ng search warrant sa shabu. Ang sagot ni Azurin ay “Okay.”

Nang bandang 7:09 a.m., kinumpirma ni Estomo kay Azurin sa text message na nasa Baguio City na s’ya. Bandang 3:52 p.m. nag send ng mensahe si Estomo na, “For info Sir. Tapos na implementation ng sw. Umalis na rin SILG, PDEA and Mayor (Benjie) Magalong Sir.” Sumagot si Azurin na, “Congratulations Jonnel. Cheers!” na with matching emoje na bote ng alak, clap, clap at prayers. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Siyempre, kapag may kuhaan ng picture sa malaking accomplishment na drug haul, ay kalakaran lang naman, lalo na kung inimbita ka ni Abalos, di ba mga kosa? Kung nais ni Azurin na gayahin ni Estomo ang personal n’yang adhikain na ‘wag magpa-picture sa drug haul dapat­ inutusan n’ya ito na i-snub ang parteng ito. Bakit ginamit ang isyung ito ni Azurin laban kay Estomo?

Dahil kaya hindi n’ya type si Estomo na papalit sa kanya? Ahhhhh, maraming katanungan na si Azurin lang ang may kasagutan. Tumpak! Hehehe! Kung manok ni Abalos si Estomo na maging PNP chief, mukhang iba ang gusto ni Azurin. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang tanong lang ng mga kosa ko kay Azurin, “It is a sin para magpa-picture, picture sa drug haul?” Mukhang wala naman ‘yang alituntunin na ‘yan sa batas ng PNP. Kung susundin ang opinion ni Azurin, “Paano ang naglisang PNP chief’s na nagpa-picture, picture sa mga drug haul? Guilty din sila? Araguuyyyyy!

Kanya-kanyang gimik lang talaga, no mga kosa? Dipugaaaaa!

Humarap sa media si Azurin nitong Lunes at deny to death s’ya na may “coverup sa “kaso ni MSgt. Rodolfo Mayor na nahulihan ng 990 kilos ng shabu sa Tondo, Manila. Maraming sinabi si Azurin na, ayon sa mga kosa ko, ay puro “pampapogi” lang. “Bilib na bllib masyado sa sarili eh s’ya ang pinaka-”insecure” na CPNP sa buong kasaysayan ng PNP,” ayon sa isang heneral. Ano ba ‘yan?

Sinupalpal naman ni Abalos ni Azurin sa pagsasabing hindi nagsisinungaling ang video footage. “In law, there is the principle of RES IPSA LOQUITOR. The thing speaks for itself. The video is a statement of what transpired,” ani Abalos. “While I respect General Azurin, I am sure he agrees with me that the public deserves to know the truth. Hindi lamang sa isyu ng 42 kilos kundi higit sa lahat sa kung ano ang nangyari sa 900 kilos na nakumpiska,” ang giit ni Abalos.

Malaki ang paniwala ni Abalos na iimbestigahan ng Napolcom ang kaso na ayon sa kanilang mandato. Hehehe! Seasonal naman itong gibaan sa PNP at nangyayari lang kapag may magreretirong hepe nito. Abangan!

ESTOMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with