^

PSN Opinyon

Mangga

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

SUMMER na. Panahon ng mangga. Makikita sa palengke at supermarket ang maraming hinog at manibalang na mangga.

Narito ang mga benepisyo sa pagkain ng mangga:

1. Ang mangga ay isang sariwang prutas na may pinakamaraming vitamin A at beta-carotene na siyang nagbibigay ng dilaw na kulay nito. Bagay ang mangga para maiwasan ang panunuyo ng balat at maagang pagkulubot ng balat.

2. Maraming vitamin A, C, E ang mangga para sa mali­naw na paningin. Makatutulong sa pag-iwas sa pagkawala ng paningin dahil sa night blindness, optic nerve atrophy at pagbara ng ugat sa mata. Meron din mga vitamin B at vitamin K.

3. Ang mangga rin ay isa sa pinakamaraming taglay na vitamin E para sa balat.

4. Bagay sa puso dahil may potassium at sodium na posibleng tumutulong sa pagbaba ng presyon ng dugo. Ang iba pang mineral ay magnesium, copper at iron.

5. Maraming fiber ang mangga kaya maganda sa pagtitibi at mga sintomas ng irritable bowel syndrome. May pectin na makatutulong sa pagbaba ng kolesterol at para maiwasan ang prostate cancer at colon cancer.

6. Sabi ng American Diabetic Association ay nasa medium score na 56 sa glycemic index ang mangga. Isang pisngi ng mangga kada kain ay puwede naman.

vuukle comment

DR. WILLIE T. ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with