^

PSN Opinyon

BI Commissioner umaksyon sa mga reklamo sa NAIA 

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGPAPASALAMAT ako at hindi naging tayngang kawali ang Bureau of Immigration officials lalo na sa mabilis na aksyon ni Dana Sandoval, tagapagsalita ng kawanihan nang pitikin ko kahapon sa PM newspaper ang mga kagaspangan at pakuya-kuyakoy ng ilang BI-NAIA personnel specially sa Terminal 3.

Tiniyak ni BI Commissioner Norman Tansingco, sa publiko na mayroon itong sapat na manpower para matugunan ang inaasahang pagdami ng mga pasahero sa panahon ng summer season.

Ayon kay Sandoval, ang dami ng pasahero sa NAIA na dumaraan galing abroad ito aniya ay may 30,000 arriving passengers at 34,000 departing passengers galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ibinida ni Sandoval, sa utos ito ng “no leave” policy sa BI-NAIA habang peak season at inatasan din nito ang mga BI airport terminal heads na personal na tiyakin na ang lahat ng mga counter ay fully manned upang maserbisyuhan ang mga papasok at lalabas na mga pasahero.

Ang mga BI terminal head ay dapat makipag-ugnayan sa mga airline para sa mas mahusay na pagproseso ng mga pasahero.

“Ibinahagi ng mga awtoridad sa paliparan na ang espasyo ng BI sa NAIA Terminal 3 ay palalawakin sa lalong madaling panahon, na magbibigay-daan sa amin na magtalaga ng mas maraming opisyal ng imigrasyon,” sabi ni Tansingco. “Bukod diyan, inaasahan namin ang isang bagong batch ng 38 immigration officers na magtatapos sa BI’s academy sa Clark, na susundan ng isang batch ng 147 karag­dagang immigration officers.’

Sabi nga, sana hindi sila kulang sa training para ‘pag sumabak sa Immigration counters at kaharap­ ang mga pasahero sa NAIA ay dapat silang maging­ magalang hindi tulad ng iba sa airport na binubul­yawan ang mga pasahero specially ang mga OFWs. Ibinahagi ni Tansingco, na patuloy silang kumukuha ng mga opisyal ng Imigrasyon upang idagdag sa tumataas na pangangailangan bilang international travel surge.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with