^

PSN Opinyon

Paano papuputiin ang kilikili  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga pinuproblema ng mga kababaihan ay ang maitim na kilikili. Pero unahin muna nating alamin ang mga dahilan kung bakit umiitim ang kilikili:

1. Ang mga taong may diabetes ay puwedeng mangitim ang kilikili. Gamutin ang diabetes para mabawasan ang pag-itim.

2. Puwedeng namana sa magulang. May mga tao na maitim ang kulay ng balat, kasama ang kilikili.

3. Ang sobrang pagkuskos ng kilikili at paggamit ng naka­kairitang deodorant ay puwedeng magpaitim ng kilikili.

4. Ang sobrang pagbunot o pag-ahit ng buhok sa kili­kili ay puwedeng magdulot ng impeksyon at pigsa. Dahil dito, puwedeng magbukul-bukol ang kilikili.

5. Huwag magsuot ng masikip na damit dahil magkikiskis dito ang kilikili.

6. Magpapayat din dahil kapag malaki ang ating braso, gagasgas at maiipit din ang balat ng kilikili.

Ayon sa dermatologists, narito ang mga paraan para pumuti ang kilikili:

1. Puwedeng gumamit ng “gentle cleanser” at tuwalya at dahan-dahang kuskusin ang kilikili. Dahan-dahan lang para matanggal ang “dead skin cells” o matigas na balat. Huwag sosobrahan ang pagkuskos at baka lalo umitim ang kilikili.

2. Puwedeng gumamit ng moisturizer at oils para lumambot ang balat.

3. Ayon sa dermatologists, puwede naman ang honey bilang panlinis. Ngunit mag-iingat sa paggamit ng kalamansi at lemon, dahil puwede itong makasugat sa balat kapag nasobrahan.

4. May nirereseta ang doktor na cream, ang tawag ay tretinoin (Retin-A) na puwedeng magpaputi ng balat. Kumunsulta sa doktor.

5. Sa mga department store, puwede bumili ng alcohol-free deodorant.

May mga home remedies na posibleng makatulong, pero hindi pa ito tiyak:

1. Baking soda – Ihalo ang baking soda sa konting tubig. Ipahid ito sa kilikili para bahagyang matanggal ang dead skin cells.

2. Pipino – Pigain ang katas ng pipino at ilagay ito sa kilikili. Iwan ng 30 minutos.

3. Lemon o kalamansi – Ihalo ang katas nito sa dalawang kutsara ng tubig para mabawasan ang pagiging matapang o acidic nito. Iwan ang katas ng 10-15 minuto at hugasan ito. Gawin ng dalawang beses bawat linggo.

4. Coconut oil – May taglay na vitamin E ang coconut oil. I-masahe ang coconut oil sa kilikili. Iwan ng 10-15 minuto. Hugasan ng tubig at mild soap. Gawin dalawang beses sa maghapon.

Tandaan: Ang mga lunas na ito ay hindi 100% epektibo. Maghihintay pa ng mga anim na linggo bago magkaroon ng konting pagbabago. Kumunsulta sa dermatologist sa inyong mga katanungan.

KILIKILI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with