^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag gawing evacuation center ang mga eskuwelahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag gawing evacuation center ang mga eskuwelahan

NOON pa, marami nang nananawagan sa mga nakaraang pamahalaan na magkaroon na ng perma­nenteng evacuation center sa mga nasalanta ng bagyo o lindol at iba pang kalamidad. Mula nang tumama ang Super Typhoon Yolanda noong 2009, lumakas pang lalo ang panawagan na magkaroon ng evacuation center sa bawat barangay.

Pero ang panawagang ito ay dinedma lamang ng mga nakaraang presidente—Gloria Arroyo, Noynoy Aquino at Rodrigo Duterte. Wala silang ginawang plano ukol sa evacuation center sa kabila na mahigit 20 bagyo ang tumatama sa bansa bukod pa sa pagtama ng lindol, baha, sunog at iba pang kalamidad na ka­ilangang ilikas ang mga tao sa ligtas na lugar. Hindi sila nagsikap na makapagtayo ng evacuation center na sa anumang sandali pagtama ng kalamidad ay mapupuntahan ng mga apektadong residente.

Mas ginusto pa nilang i-evacuate ang mga tao sa eskuwelahan at mga covered court na siksikan at nagkakahawahan ng sakit. Ang mga walang masilungan, pinipili na lamang na huwag umalis sa kani-kanilang mga bahay kaya naman marami ang nadidisgrasya—nalulunod at natatabunan ng lupa at putik kasama ng kanilang bahay.

Nang tumama ang Bagyong Paeng noong nakaraang linggo sa maraming bahagi ng bansa—Min­danao hanggang Luzon—naging problema na naman ang pagdadalhan sa mga taong apektado ng baha at pagguho ng lupa. Umabot na sa mahigit 100 ang namatay sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Dahil walang ibang pagdadalhan sa mga biktima ng bagyo, sa mga eskuwelahan na naman sila dinala para makasilong. Napuno na naman ang mga esku­welahan ng evacuees kaya apektado ang pag-aaral ng mga bata na nagsimula na sa face-to-face classes noong Nob­yembre 2. Walang magamit ang mga bata dahil hanggang ngayon mayroon pang evacuees sa mga school.

Mayroon namang mga classroom na sinira at dinu­mihan ng evacuees. Gaya ng school sa Muntinlupa na sinira ang blackboard, silya, dingding at nag-iwan nang maraming basura. Nagalit si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa nangyari.

Sikapin sana ng kasalukuyang administrasyon na makapagpatayo ng permanenteng evacuation centers sa bawat barangay. Ang Pilipinas ay forever nang baba­yuhin ng bagyo at yayanigin ng lindol. Taun-taon, mala­lakas na bagyo ang tumatama kaya nararapat nang mag­karoon nang matibay na evacuation centers. Huwag nang gamitin ang mga school sapagkat ginagamit ito ng mga bata. Magkaroon ng sariling evacuation centers para anumang oras ay may pansamantalang masisilungan.

vuukle comment

EVACUATION CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with