^

PSN Opinyon

Dynasties sa Pilipinas ang problemahin natin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Huwag na nating pag-aksayahan ng panahon kung sino naman ang papalit na monarch kung pumanaw si British­ King Charles III. Trivia lang sa Pilipino ang line of succession­ sa House of Windsor. Wala tayo mapo-probetse kung si Prince William o Prince Harry ang hahalili at kung ang misis­ nila ang magiging Queen Consort. Symbolic head of state lang ang British monarch. Walang maselang tungkulin sa gobyerno. Taga-bukas lang ng parliament at kung anu-anong fiesta at proyekto.

Problemahin natin ang dynasties sa Pilipinas. Hawak nila ang poder sa politika. At dahil du’n, kontrolado nila ang kabuhayan ng bansa at komunidad.

Galing sa political dynasties ang kasalukuyang President at VP. Ganundin ang halos lahat ng senador at kongresista. Halinhinan o sabay-sabay sila ng mga asawa, anak, magulang at kapatid sa puwesto.

Mga kadugo at bata-bata nila sa negosyo at pulitika ang mga governor, provincial board member, mayor, councilor at barangay captain. Nagpapalitan din ang mga ito sa puwesto. Sila-sila na lang.

Political dynasties ang nagpapahirap sa bansa. Nilili­sensiya sa sariling pamilya ang mga negosyo: gasolinahan­, grocery at hardware store, botika, at iba pa. Mga tauhan­ nila ang ineempleyo at kinokontrata sa sea at airports, istas­yon ng bus at public markets sa probinsiya, lungsod at munisipalidad. Kino-komisyonan nila ang mga proyekto. Ginagamit ang lakas para makuha ang beach front pro­perty at minahan. Pera ng gobyerno ang pinanggagawa ng kalye at tulay patungo sa private resorts at negosyo nila.

Maraming dynasties ang isang siglo na sa puwesto. Nagsimula sila nu’ng huling dalawang dekada ng Spa­nish regime, nang ipasa sa kanila ang mga lokal na posisyon. Nakipag-sabwatan sa Amerikano at Hapones para manatili sa poder. Kinamal ang yaman ng bansa. Pansinin: kung saan may dynasties ay malala ang kara­litaan.

DYNASTIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with