^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura, dahilan ng baha sa Metro Manila

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basura, dahilan ng baha sa Metro Manila

MATAGAL nang problema ang baha sa Metro Manila at hanggang ngayon hindi pa nareresolba at lumalala pa. Matindi ang pagbaha ngayon ang nararanasan sapagkat sa kaunting pag-ulan lang, apaw na ang mga kalsada at matagal bago humupa. Walang madaanan ang tubig baha kaya naiistak nang matagal. Basura ang dahilan kaya mabagal bumaba­ ang tubig. Nakabara sa mga daanan ng tubig. Uma­apaw sa basura ang mga kanal, estero at sapa.

Noong Sabado ng gabi, dumanas na naman ng baha ang maraming lugar sa Metro Manila. Bumaha sa España Boulevard, Rizal, U.N., Qurino at Taft Ave­nues, Padre Faura Street sa Maynila; Araneta Avenue at Mother Ignacia sa Quezon City: Rizal Avenue at Monumento sa Caloocan City; Pasong Tamo Street at Buendia Avenue sa Makati City at ilang kalsada sa Pasay City.

Pawang plastic na basura ang inanod sa Araneta Avenue, Quezon City. Mga single-use plastics, sachet ng 3-in-1 coffee, shampoo, catsup, shopping bags, cup ng noodles at marami pang iba. Apat na trak ng basurang plastic ang nakuha sa Araneta Avenue, sabi ng barangay chairman ng lugar.

Basura rin ang dahilan kaya laging bumabaha sa España Blvd. Pagkatapos ng baha makikita ang mga nakakalat na single-use plastic na posibleng galing sa isang palengke sa Vicente G. Cruz St. Matagal nang problema ang baha sa España subalit hindi masolusyunan. Tinaasan na ang kalsada pero nananatili pa rin ang problema.

Inamin na noon ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) na mga basura ang dahilan nang pagbaha na karamihan ay pawang plastic. Hindi raw kaya ng pumping stations na pabilisin ang pagliit­ ng baha dahil sa mga basurang plastic. Ayon sa MMDA, 66 pumping stations ang nag-ooperate sa Metro Manila pero kapag nabarahan ng plastic, nasisira ang ope­rasyon. Kadalasang informal settlers na nasa pampang ng estero ang nagtatapon ng mga basurang plastic.

Malaking hamon kay DENR secretary Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga ang plastic na basura. Nangako si President Marcos Jr. na lilinisin ang kalat ng plastic. Hamon din sa Metro Manila Development Authority ang basura. Regular na paglilinis o declogging sa drainages ang nararapat. Ipag-utos naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kapitan ng barangay na paigtingin ang pagbabantay sa mga magtatapon ng basura sa mga kanal, estero, sapa at imburnal. Kastiguhin ang mga ito sa pag-apaw ng mga plastic na basura.

FLOODS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with