^

PSN Opinyon

Free trade susi sa kapayapaan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nakakabilib ang mga leader ng United States of America. Pagkatapos ng World War II, nanguna ang U.S.A. sa pagbuo ng alyansa sa pagtutulungan ng mga bansa sa lara­ngan ng pagpapaunlad ng ekonomiya at pagpigil sa mga mapaminsalang digmaan.

Ang U.S.A. ang nagtaguyod ng malayang kalakalan ng mga bansa alang-alang sa sabay-sabay na kaunlaran ng mga bansa sa daigdig. Alam kasi ng U.S.A. na ang maunlad at payapang daigdig din ang pangunahing makikinabang. Sa paanong paraan? Sa pagkilala at pagrespeto ng ibang bansa dito. Kinilala ang U.S.A. na superpower.

Kaya pinagpala ng Diyos ang U.S.A. na tinaguriang “land flowing with milk and honey.”

Ngunit tinapos ni Presidente Donald Trump ang gani­tong kalakaran. “America first” ang policy niya na sa unang tingin ay mukhang may lohika. Ngunit matapos ma-establish ng U.S.A. ang mabuting reputasyon nito, biglang idineklara ng reelectionist president ang pagpapataw ng lubhang mataas na taripa sa mga kalakal na mula sa Canada, Mexico at China.

Masama ang loob ng mga naapektuhang bansa. “Ganti-ganti katwiran, magbabayad ang may utang” anang lumang kawikaan. Balak ng mga bansang pinatawan ng taripa na magpatupad ng retaliatory move gaya ng pagpapataw din ng mataas na surcharges sa kalakal mula sa U.S.A.

Kapag humatsing ang U.S.A., apektado ang buong mundo, sabi nga. Hindi natin tiyak ang kawing-kawing na epekto nito na puwedeng maging dahilan ng digmaang pan­daigdig. Sana’y maunawaan ni Trump ang konsekwen­siya ng kanyang mga polisiya.

AMERICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with