^

PSN Opinyon

Tamang pagkain para sa may arthritis at allergy

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Sa arthritis, nasisira ang cartilage sa araw-araw na paggamit. Ayon sa pag-aaral, ang free radicals ay maaaring atakihin ang selula, tumaas ang pamamaga, at mapabilis ang proseso ng pagtanda, kabilang ang pagkasira ng joints at cartilage. Kaya naman maganda na idagdag sa iyong lutuin ang maraming antioxidants na makukuha sa prutas, gulay at green tea.

Kainin ang mga ito:

1. Ang madahong gulay at citrus fruits ay mayaman sa antioxidant na nilalabanan ang mga free radicals at tumu­tulong para protektahan ang joints. Ang taong may arthritis ay kinakailangang makakuha ng mas maraming anti­oxidants, lalo na ang vitamin C at beta-carotene mula sa pagkain. Ang vitamin C sa citrus na prutas katulad dalandan, suha, calamansi, lemon at orange. May anti­oxi­dant na matatagpuan sa madadahong gulay na nagpapababa rin ng panganib sa arthritis.

2. Ang pinya ay may bromelain, isang protein-digesting enzyme at lumalaban sa pamamaga. Ayon sa pag-aaral, mabisa ito para mabawasan ang pananakit dulot ng osteo­arthritis, katulad rin sa pag-inom ng gamot sa kirot. Wala pang side effect ang pinya.

3. Ang matatabang isda tulad ng sardinas, mackerel, salmon, tuna at tamban ay mayaman sa omega-3 fatty acids. Ito’y nagpapalakas ng produksiyon sa anti-inflammatory fats na tinatawag na resolvins, na kumokontra sa pamamaga.

4. Ang curry, turmeric, luya at ibang spices ay luma­laban sa pamamaga sa arthritis. Ang luya, turmeric at curry ay may sangkap na curcumin, na pumipigil sa enzymes at protina na isinusulong ang pamamaga.

5. Ang green tea, sibuyas, strawberry, kamatis at citrus­ fruits ay naglalaman ng quercetin. Ang pag-aaral sa labo­ra­tory, ang quercetin ay isang antioxidant at anti-inflammatory.

* * *

Kapag ang nakaka-allergy tulad ng pollen, halaman, damo, alikabok at amag ay nakahanap ng daan papunta sa iyong ilong, ang iyong katawan ay maaaring ma-allergy dito. Ang iyong immune cells ay naglalabas ng histamine o kemikal na responsable sa sintomas ng allergy.

Magsisimulang magkaroon ng pamamaga sa sinuses at daanan ng ilong at nagkakaroon ng pangangati ng ilong at lalamunan, at pagbahin.

Maraming pagkain ang nakatutulong para mabawasan ang allergy at mapakalma ang immune system:

1. Fatty fish—Ang matatabang isda gaya ng salmon, sardinas, tuna, tamban at mackerel ay mayaman sa omega-3 fatty acids, na nakatutulong mabawasan ang pamamaga, ang direktang dahilan ng sintomas ng allergy.

2. Bawang—Ang bawang ay mataas sa antioxidant para sa immune system. Gamitin ang bawang na pampalasa na pagkain. Maaari rin hiwain ang isang buong bawang ng maliliit at nguyain o lunukin ito gaya ng tableta kada araw.

3. Sibuyas—Ang sibuyas ay may quercetin, isang antioxidant na tumutulong para mabawasan ang pamamaga at maaaring makatulong para maiwasan ang paglabas ng histamine ng katawan. Maaaring isama ang sibuyas sa iyong salad, sabaw, gulay at iba pa.

4. Yogurt—Ang benepisyo ng live bacteria na matatagpuan sa yogurt at iba pang fermented na produkto gaya ng kefir ay makatutulong na mapanatili ang good bacteria sa tiyan. Suriin ang label kung mayroong lactobacillus, bifidobacterium at bacillus clausii, bukod sa iba pang live, active cultures.

5. Kamote, mani, avocado, spinach at kangkong—Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa Vitamin B at Vitamin E.

6. Oregano, lemon balm, rosemary at iba pang herbs—Lagyan ng mga herbs na pampalasa ang iyong kakainin para makakuha ng maraming benepisyo.

Mga nutritional supplement:

1. Omega-3 fatty acids—Kung ayaw mo ng lasa ng seafoods, maaaring makuha ang omega-3 fatty acids sa mga fish oil supplement para mapaginhawa ang allergy. Dosis: 1 gram kada araw.

2. Probiotics—Kung hindi kayang kumain ng yogurt araw-araw, maaaring uminom ng probiotic supplement. Hanapin ang produkto na mayroong lactobacillus, bifidobacterium at Bacillus clausii.

3. Vitamin C—Puwede uminom ng 500 mg-1 gram kada araw. Hindi pa tiyak ito.

Bawasan ang pagkain ng mga sumusunod:

1. Matatabang karne—Matataas ang kaso ng allergy sa mga taong kumakain ng maraming taba dahil sa taglay na arachidonic acid, na nagdudulot ng pamamaga.

2. Red wine—Ilan sa mga taong may allergy ay maaaring sumasakit ang ulo kapag umiinom ng red wine dahil ang balat ng pulang ubas ay may histamine.

ARTHRITIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with