^

PSN Opinyon

Kumain nang mabagal: lunas sa sakit ng tiyan at acidic

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Naaalala ba ninyo noong bata pa kayo madalas sabihin ni nanay, “Nguyain mabuti ang pagkain.” Tama siya. May mga pag-aaral na nagpapakita na ang marahang pag-nguya ay nakababawas ng acid reflux at tinutulungan ka na mabawasan ang iyong timbang.

Ang pagnguya nang maigi ng pagkain ay nagsisimula­ na durugin ang pagkain bago pa man ito bumaba sa iyong tiyan. Napapadali nito na matapos agad ang trabaho ng stomach acid at enzymes. Sa karagdagan, ang pag-focus sa pagkain ay maaaring magpamuni-muni, para ma-relax ang iyong isipan, ng sa ganon ay mabawasan ang stress na kung minsan ay nakapagpapalaki ng acid reflux.

Ang iba pang benepisyo ng pagkain ng mabagal ay nakatutulong na mabawasan ang timbang. Ang tiyan at ang maliit na bituka ay nagbibigay ng senyales sa ating utak kapag ang ating nakain ay sapat na. Ngunit umaabot ng 15 minuto ang mensahe bago ito makarating. Ang mga mabagal kumain ay nakakakuha ang senyales na ito kaya titigil sila sa pagkain. Ang mga mabilis naman kumain ay hindi nakakakuha ng senyales kaya sobra sobra sila kumain.

Para bumagal ang pagkain, gawing seremonya ang pag­kain. Umupo sa mesa sa halip na kumain ng mabilis. Iwasan ang kumain ng naka-kamay dahil mas mainam kung gagamit ng kubyertos. Namnamin ang kulay, kaya­rian, amoy at lasa ng inyong pagkain. Tandaan na pinalu­lusog mo ang iyong katawan kaya naman gawin ang tamang proseso.

vuukle comment

ACID REFLUX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with