^

PSN Opinyon

Ang tagubilin ng ama

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MAY advice si dating President Rodrigo Duterte sa kanyang anak na babae na si Vice President Sara.

At ito ay kung maari lumabas na sa mundo ng pulitika si Sara at magnegosyo na lang at mamuhay nang mapayapa.

Tutal daw naman at Bise Presidente na siya sabi ng ama. 

Ginawa rin ni dating President Duterte ang panawagan kay Sara dahil hindi na sila magkasundo ng dating ka-team mate na si President Bongbong Marcos.

Ayon pa sa ama, tama na raw at huwag nang mag-ambisyon si Sara na maging Presidente. Lisanin na nito ang pulitika hanggang maaga pa.

“Pasalamat ka na lang sa Diyos na ang tatay mo naging Presidente, ikaw naging Vice President. Bihirang-bihira yan, bihira sa isang pamilya. Hindi lahat ng pamilya sa Pilipinas. Pasalamat na lang tayo. Ngayon ang gawin mo, lumabas ka na sa pulitika,’’ sabi ng dating Presidente.

Si Sara ay tinitingnan na isa sa mga leading candidates sa pagka-presidente sa darating na 2028 elections.

Kinukuwestiyon din naman si Sara ng House quad committee ukol sa budget ng Office of the Vice President at ang intelligence funds na ginamit lamang sa loob ng maikling panahon.

Ang tagubilin ng ama ay para sa mapayapa at ­ikagaganda ng buhay ng anak niyang si Sara.

ELECTIONS

PRESIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with