^

PSN Opinyon

Hindi puwedeng pumasok sa PH ang walang bakuna  

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ALAM ng mga dalubhasang doktor na kahit bakunado ang international passengers ay banta pa rin sa sakit at mahahawahan ang madlang people kung pabaya sa health protocols.

Sabi nga, nakakatakot. Bakit?

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na binago pala ng gobyerno ang protractor este mali pro­tocol pala para sa international passengers the other day na papasok ng Philippines my Philippines.

Ika nga, hindi na kailangan ang quarantine para sa mga nabakunahang biyahero at negatibo sa virus.

Ang mga darating na pasahero from abroad ay dapat pa rin daw masuri kahit na rapid antigen para makontrol ang transmission.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga nagpositibo sa COVID-19 matapos dumating sa isang bansa.

“Puwedeng magkaroon ng hawahan habang nasa ere ang eroplano dahil kulob na kulob ito,” sabi ng kuwa­gong inggitero.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinag-aralan daw itong mabuti ng mga bright kasi nga, kailangang palakasin ang ekonomiya ng Philippines my Philippines para magkaroon ng trabaho ang mga pobreng alindahaw.

Basta fully vaccinated ang isang nilalang ni Lord, hindi na kailangang magpasuri pa. Dapat na raw buksan ang pintuan para maka-recover sa economy ang Philippines my Philippines na baon sa ngayon sa utang.

Ika nga, hindi na kailangan pang sumailalim sa facility­ based quarantine ang fully vaccinated international pas­sengers at ‘yung mga umuwi galing abroad. Basta ang kailangan negative sila sa RT-PCR test bago sila sumakay ng eroplano papunta sa Philippines my Philippines.

“Open na ang Philippines my Philippines sa mga bansang red, green and yellow listing,” sabi ng kuwagong bright.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang international passengers na dehins pa bakunado o bahagyang nabakunahan ay hindi papayagang makapasok sa Philippines my Philippines sa Peb. 16.

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with