Kumunsulta sa doktor bago uminom ng potassium tablet
Delikado ang mababang potassium. Marami na ang namatay dahil dito. Ang pag-inom lamang ng tableta ang tanging lunas sa mababang potassium. Pero bago uminom ng tableta, kailangang kumunsulta sa doktor. Ang doktor ang magbibigay ng tamang dosis at klase ng gamot kung mababa ang potassium.
Malalaman kung mababa ang potassium sa dugo sa pamamagitan ng laboratory test. Ang normal result ay mula 3.6-5.5 meq/L. Kung normal ang result mo wala kang gagawin. Pero kung ang resulta ay mababa sa 3.6, lalo na kung mababa sa 3.2 ay delikado ‘yan. Kung may sintomas ka ng panghihina ng mga paa, pinupulikat at abnormal na tibok ng puso, mas delikado pa iyan.
Ang solusyon ay pag-inom ng potassium tablets. Ang mayroon ngayon ay Kalium tablet or K-lyte tablet (paiba-iba ang available sa botika). Iniinom ang tableta 1 beses o 2 beses kada araw depende sa baba ng potassium. Kung palaging mababa ang potassium, tuluy-tuloy ang pag-inom ng tablet.
Imonitor bawat buwan ang potassium level sa dugo o mas madalas pa depende sa sintomas para malaman ang tamang dosis ng potassium tablets na irereseta. Dapat magpasuri sa Nephrologist.
Tanong: Puwede bang saging at prutas na lang ang pampataas ng potassium?
Sagot: Hindi. Ayon sa nephrologist na si Dr. Elizabeth Montemayor, kung mababa na talaga ang potassium, hindi na kaya ng saging, kamatis, orange at broccoli. Pangtulong lang ito. Kailangan talaga ng potassium tablets para mabilis ang pagtaas ng potassium.
Tanong: Ano ang dahilan ng mababang potassium?
Sagot: Ang pangkaraniwang dahilan ay ang labis na pagpapawis, pagtatae at pagsusuka.
- Latest