^

PSN Opinyon

Ka-live-in, naghahabol sa manang lupa

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SA ilalim ng batas, hindi pinapayagan na magbigay ng donasyon ang mag-asawa sa isa’t isa habang kasal pa sila. Sa katulad din na paraan, hindi puwedeng magbenta ang mag-asawa sa isa’t isa maliban at bago sila magpakasal ay nagkasundo na sa “separation of property”. Ito ay upang pigilin ang mag-asawa na magkaroon ng donas­yon sa isa’t isa o kaya ay palabasin na may nangyaring bentahan sa kanila.

Ang dahilan ng pagbabawal sa batas ay: (1) para hindi nila maloko ang ibang tao lalo ang mga nagpapautang; at (2) para pigilin ang bawat isa na impluwensiyahan ang kanya-kanyang asawa. Ganito ang nangyari sa kaso ni Fred.

Isang matagumpay na tao si Fred. Nakaipon siya at nagkaroon nang maraming ari-arian. Sa sobrang tutok niya sa trabaho ay hindi siya nagkaroon ng asawa at pamilya. Pero marami siyang naging babae at isa roon si Lina. Hindi agad nagpakasal ang dalawa. Imbes ay naging magka-live-in lang muna. Alam ni Lina ang dami ng ari-arian ni Fred at binibiro niya ito na bigyan siya. Bumigay si Fred at nagdonasyon kay Lina ng isang parselang lupa.

Nagpatuloy ang kanilang relasyon na hindi pa rin nagpa­pakasal. Nang magkaroon ng malubhang sakit si Fred, napi­litan silang magpakasal. Hindi nagtagal, namatay si Fred.

Nang mamatay si Fred, inangkin ng kapatid niyang si Norma ang pagmamay-ari ng lupang ibinigay kay Lina. Katwiran niya, wala raw bisa ang kasulatan ng donasyon dahil ginawa ito ni Fred sa panahong nagsasama na sila bilang mag-asawa. Ayon sa kanya, bilang kaisa-isang ka­patid na babae ng namatay, siya ang mas may karapatan­ na magmana sa nasabing lupa.

Ayon naman kay Lina, legal ang ginawang donasyon sa kanya dahil hindi ipinagbabawal ng batas ang pagbibigay ng ari-arian sa magkalive-in na tulad nila. Ginawa naman daw ang donasyon bago sila nagpakasal kaya hindi ito sakop ng ipinagbabawal ng batas. Tama ba si Lina?

MALI. Ayon sa Art. 133 Civil Code, ang donasyon ay wa­lang bisa sa mag-asawa habang kasal sila. Pero kung punto lang din ng moralidad ang pag-uusapan, sakop ng pagbabawal na ito pati ang tinatawag na “common law relationship” o mag-live-in.

Sinabi pa nga sa isang kaso ng dating mahistrado na si Justice JBL Reyes na hanggang ang pamilya ang sandigan ng ating batas, idinidikta ng moralidad at panuntunan ng lipunan na dapat pareho lang ang umiiral na batas sa mga ikinakasal at sa mga nagkakasala ng “concubinage”.

Sigurado naman na hindi layunin ng mga gumagawa ng ating batas na bigyan pa ng premyo ang mga nagli-live-in kaysa sa mga kasal na. Kung ganoon kasi ang mangyayari ay parang kinukunsinti pa natin ang ginagawa nilang bawal na pagsasama (Matabuena v. Cervantes, 38 SCRA 258).

SEPARATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with