^

PSN Opinyon

Sayang si Kobe

KUNSABAGAY - Tony F. Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Isa sa pinakahinahangaang manlalaro sa National  Basketball Association (NBA) si Kobe Bryant. Nagluksa ang mga fans sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa maaga niyang pagpanaw sa edad na 41. Hindi lingid sa ating lahat na nag-crash ang sinasakyang helicopter ni Bryant kasama ang kanyang 13 anyos na anak. Napakasakit man sa maraming tagahanga pero wala nang isasakit pa ito sa kanyang mga naulilang pamilya.

Isang taon pa lamang nagretiro si Kobe sa paglalaro ng basketball sa NBA at pinagtutuunan na lamang ang pamilya at abala rin ito sa pagtulong sa mga mahihirap. Sa edad na 17 nag-umpisang maglaro ng basketball, sa nakitang talent ay agad itong napansin ng NBA kaya naglaro na siya sa Los Angeles Lakers ang nag-iisang team na kanyang nilaruan.

Dito sa ating bansa, tinagurian tayong basketball fanatics kaya may kanya-kanya rin tayong paboritong manlalaro sa NBA at isa na riyan si Kobe, sa katunayan maraming fans dito sa ating bansa ang nagpakita ng iba’t ibang klaseng pakikidalamhati sa pagpanaw ng kanilang idolong si Kobe.

Siguro nasa pito o walong beses dinalaw ni Kobe  ang Pilipinas kaya ganoon na lamang ang pagkagililw ng ating mga kababayan sa kanya lalo pa at ito’y kanyang mismong nakasalamuha.

Sa pagpanaw ni Kobe, magagandang alaala ang kanyang iniwan sa mundo ng basketball. Iba’t ibang papuri ang ating naririnig at nababasa tungkol sa ating idolo. Dito natin makikita kung gaano kabuting manlalaro si Kobe dahil halos buong mundo ang nagluksa animo sila ang namatayan ng isang kapamilya. Talagang ang buhay ay masasabi kong weder-weder lang.

KOBE BRYANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with