^

PSN Opinyon

Paano pabababain ang cholesterol?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Lumipas na ang Pasko at Bagong Taon. Tapos na ang masaganang handaan at kabi-kabilang party. Tiyak na nadagdagan ang level ng cholesterol. Dapat ang normal lebel ng cholesterol ay 200 mg/dl.

Narito ang mga dapat gawin para malaman kung nasa tamang lebel ang cholesterol at kung mataas naman, ano ang gagawin para ito mapababa.

1. Ipasuri muna kung tama ang blood test -- Minsan ay nagkakamali ang mga laboratory sa blood test. Sigu­rado bang hindi ka kumain sa loob ng 10 oras bago kunan ng dugo? Pagkatapos ng dalawang buwan, ipaulit ang blood test.

2. Kumain nang tama -- Mahal ang gamutan sa cholesterol at posibleng may side effects pa. Dahil dito, piliting isaayos ang pamumuhay bago maggamutan.

Kung sobra sa timbang, kailangang magpapayat. Kapag nabawasan ng five pounds, bababa ang cholesterol.

Sa diyeta, subukan ang madalas na pagkain ng oatmeal, beans (monggo) at gulay. Makapagbabawas ito nang malaki sa cholesterol. Kung dati ay mahilig sa taba ng baboy, mantika at pritong pagkain, subukan naman ang taba ng isda. Tapyasin ang taba ng baboy bago ito lutuin.

Iwasan ang pagkain ng cakes, pastries, croissant, ensay­mada, mantikilya, cookies at iba pang mamanti­kang pagkain. Kung dati ay hilig mo ang sinangag na kanin, piliin na lang ang sinaing.

3. Mag-ehersisyo -- Mag-ehersisyo ng tatlo hanggang limang beses kada linggo. Gawin ito ng 30 minutos­ hanggang isang oras. Malaki ang maitutulong ng eher­sisyo sa pagpapababa ng cholesterol.

4. Subukan ang natural na gamutan -- Ang pagkain ng bawang ay puwedeng makababa ng cholesterol sa dugo ng 9 to 12%. Ang pag-inom din ng omega-3 fish oil supplements ay nakabababa ng triglyceride levels, isang klase ng taba sa dugo.

5. Gamot sa cholesterol -- Kung pagkaraan ng dalawang buwan na pagdidiyeta ay mataas pa rin ang cholesterol, puwede nang mag-umpisang uminom ng maintenance na gamot.

Ito ay ang mga generic na Simvastatin, Atorvastatin o Rosuvastatin. Mayroon nang mga murang gamot sa generics na botika.

Ito ang mga tamang paraan sa paggamot ng cholesterol. Subukang magdiyeta at mag-ehersisyo muna. Kapag hindi nakuha, saka pa lamang iinom ng gamot.

Good luck po.

CHOLESTEROL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with