Bacolod LGU, para sa inyo ‘to!
SIMULA pa 2002, hindi naging pangkaraniwang programa ang BITAG. Hindi kami katulad ng ibang local media na sunud-sunuran at yumuyuko sa mga pulitiko.
Linawin natin, hindi “news program” ang BITAG kundi investigative at public service. Responsibilidad naming imbestigahan ang magkabilang panig – ang nagrereklamo o complainant at ang inirereklamo o respondent – hindi news source na sinasabi ng iba riyan.
Etong reklamo ng isang event organizer ng basketball game laban sa isang konsehal ng Bacolod City, naging isang malaking isyu.
Dahil hindi sumasagot sa aming tawag si Konsehal para makuha ang kanyang pahayag, tinawagan ko sa ere ang mayor ng lungsod. Marami na ang nakapanood ng resulta ng aming pag-uusap, uploaded na ito sa aming YouTube Channel – BitagOfficial.
Lilinawin ko lang, Mayor Evelio “Bing” Leonardia, hindi naman kasi ikaw ang isyu. But you can do something if you care. If you don’t, so be it.
It only means that there’s no concern, and not after on the solution of the problem but preferred to be part of it. Ang sinasabi ko ay ikaw ang ama ng lungsod at si Konsehal Espino ay maituturing na anak mong dapat kausapin o disiplinahin kung mapatunayang may pagkakamali.
Nagalit ka at mga supporters’ mo, tinawag ninyo akong bastos at walang alam sa ethics ng Journalism. But, hey! Okay lang, we are talking about public service here at hindi pagbabalita.
Sa ngalan ng aming adbokasiya, binigyan ko kayo ng imbitasyon, Mayor Bing na isama si Councilor Espino sa aming studio rito sa Quezon City para sa isang live interview sa aking programa sa umaga.
Ipinagkaloob namin ang iyong karapatang mapakinggan. Kung sakaling nasaktan ka man at feeling mo kayo ay nadehado, ito na yung pagkakataong magkalinawan at magkaintindihan ng harapan.
Nag-alok pa akong sagutin ang mga first class tickets at accommodations n’yo kahit kasama pa ang inyong abogado dahil seryoso kami sa BITAG na maayos ito. Ang problema, you rejected, you declined my invitation to you.
Hindi naman ako maninigil eh, do I look like a collection agency to you? Sana lang ay pinakita mo na kayo’y interesadong ayusin ang problema para na rin sa kaalaman ng publiko lalo na ng iyong mga nasasakupan.
Eh kaso mas pinili n’yong kayo-kayo ang magpa-presscon. Kung sa BITAG Live sana tayo nagkaharap, napanood pa ito nationwide at worldwide.
I highly respect Bacolod City but seems like there’s something wrong with your LGU. Tapos subong ideklara n’yo pa ako nga persona non grata? Waay ako labot!
- Latest