^

PSN Opinyon

Si Rep. Nograles sa Grab Philippines

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SINABI ni Puwersa ng Bayaning Atleta Party-list Rep. Jericho Nograles, na dapat tiyakin ng LTFRB at Philippine Competition Commission na dapat bayaran ng GRAB Philippines ang multi-million fines at refund sa kanilang mga naging riders.

Dapat ibalik ng Grab Philippines, ang sinasabing overcharged money sa mga riders ng hindi ipinapasa ng Grab sa kanilang mga drivers ang kanilang obligation.

Naku ha!

Ano ba ito?

Naaawa si Nograles, dahil alam niyang hirap ang libu-libong mga Grab drivers na bayaran o hulugan ang kanilang mga monthly amortization sa nakuha nilang mga sasakyan na ginagamit na pang biyahe lalo’t maliit ang kanilang kinikita sa ngayon dahil na rin sa sobrang traffic sa Metro - Manila.

Patay tayo dyan?

Ang Grab Philippines lamang ani Nograles ang kumikita ng malaki dito.

Totoo kaya ito?

 “Ang mga driver ang biktima diumano ng Grab’s abusive business practices ? Parang mga alipin diumano kung mag-trabaho ang mga driver para pasanin umano ang mataas na komisyon na sinisingil daw ng Grab? Hindi dapat sila ang pumasan ng mga multang ipapataw ng PCC. Halos 24 hours silang namamasada samantala nagpapasasa lamang diumano ang Grab ?’ sabi ni Nograles.

Nagpataw ang LTFRB last July 2018 sa Grab ng P10 million fine at bayaran dapat ang labis na pamasahe na diumano’y kinolekta nila?

Wala pang makapagsabi kung talagang nagbayad ng P10 million ang Grab. 

Kambiyo issue, pinagbayad din ng PCC ang Grab last January 2019,  P6.5 million  multa sa maling pricing data.

Umapela ang Grab pero walang linaw kung nagbayad sila ng multa?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-isyu ang PCC ng isa pang order para magbayad ang Grab may P18.4 million sa direct fine at P5.05 million sa refund, o kabuuang P23.45 million, para sa overcharging sa mga riders nila.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naniniwala si Nograles sa pinakabagong PCC desisyon na pinatotohanan ang  kanyang posisyon na ang Grab ay may overcharging ay hindi lamang sa mga pasahero nito kundi pati na rin ang driver nila.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, susunod diumano ang Grab sa refund ng P5.05 million sa kanilang riders, pero hindi pa ito alam kung paano at kailan?

Ano ba ito?

Nananatiling hindi maliwanag kung paano at kapag sila ay i-refund. Ito ay hindi maliwanag sa kung paano Grab Gusto pinagmulan nito multa din. “Taos-puso kong umaasa na Grab hindi taasan ang mga komisyon mangolekta sila mula sa mga driver upang maaari nilang bayaran ang kanilang mga multa,” Nograles idinagdag. 

“Nagpapasalamat kami sa LTFRB at PCC para sa pagi-ging watchdogs, bantay ng bayan. The fight is not over yet! Ang LTFRB at ang PCC ay dapat mahigpit ang pagsubaybay sa Grab, dahil may malaking posibilidad na  ipasa ang mga problema sa kanilang mga drivers hindi ito dapat mangyari.’ banat ni Nograles.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto rin ni Nograles na kalampagin ang LTFRB at ang PCC kung ang nakaraang mga multa na ipinataw sa Grab ay binayaran?

Naku ha! Abangan.

GRAB PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with