^

PSN Opinyon

Mga paghuhukay sa kalsada itigil muna para walang trapik

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Grabe ang trapik ngayon hindi lamang sa EDSA at SLEX kundi pati na rin sa maraming kalsada. Paano’y patuloy ang paghuhukay ng DPWH para sa kanilang reblocking at mga pagsasaayos. Ang nakakapagtaka, hindi naman sira ang kalsada pero binubungkal nila. Patuloy ang kanilang paghuhukay pero may iniiwan naman silang nakatiwangwang at hindi tinatapos.

Kapuna-puna na kung kailan malapit na ang holi­day season saka sila naghuhukay at kung kailan panahon ng tag-ulan. Bakit hindi nila ito gawin sa panahon ng tag-init at walang pasok ang mga estud­yante? Sa halip na makatulong sila sa paglutas sa trapiko, lalo lamang bumibigat ang trapik. Maawa naman sila sa taumbayan na sawang-sawa na sa trapik. Tiyak na lalo pang sisikip ang trapik sa pagpasok ng December.

Kabi-kabila ang paghuhukay at pati ang Maynilad ay naghuhukay din. Kawawa naman ang mga motorista at mga commuters na araw-araw ay sinasagupa ang grabeng trapik. Maawa naman sana ang DPWH. Huwag munang maghukay. Gawin ito sa tag-araw. Madaling masisira ang kalsada dahil tag-ulan ngayon. Makinig sana ang DPWH. -

--MARCIANO DEALA,

Project 4, Quezon City

EDSA

SLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with