^

PSN Opinyon

Busy ba kamo? Sakluban ko kaya kayo ng orinola sa ulo?

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SOBRANG busy, eto ang katwiran ng mga tauhan ng Public Information Office (PIO) ng Taguig City Hall kaya hindi sila makapagpaunlak ng interview sa BITAG.

Matapos pagsumitehin ang BITAG ng “request letter”, isang linggo lang naman kaming pinaghintay bago sabihing walang makakasagot sa simpleng tanong namin.

Mayor Lino Cayetano, alam kong kauupo mo lang. Pero diretsahan kong sasabihin sa iyo na mapapahiya ka sa mga tao mo. Mukang kailangan mo silang pagsabihan at turuan, ora mismo!

Naka-upload sa YouTube ang reklamo ng matandang­ vendor na lumapit sa akin dahil hindi pinapansin ng mga tao mo. Nakumpiska ang kanyang mga panindang panty at bra nang magsagawa ng clearing operation ang Market­ Management Office (MMO) ng Taguig.

Tama kayo, dapat ipatupad ang ordinansa. No one is above the law therefore the law must be applied the same to ALL. Dapat pati yung mga kalderong sinakop na ang sidewalk nilinis n’yo.

Hindi namin kinukuwestiyon ito. Ang pakiusap ng ma­tandang vendor ay kung maaaring tubusin niya ang mga nakumpiskang paninda.

Imbes sagutin ng diretso, binuwiset pa ang matanda at sinabing  “eto suot ko, panindang panty at bra mo” ng isa sa bastos na tauhan ng MMO.

Nagpadala ako ng mga BITAG staff sa MMO pero itinuro kami sa PIO. Hindi ko alam kung nakarating sa iyo ito Mayor Lino, pero sa simpleng tanong lang, isang linggo pa ang pinalipas sabay sagot ng mga taga-PIO na “sob­rang busy, basahin n’yo na lang ang ordinansa.”

Mayor, nakalimutan yata ng mga tao mo na pinasasahod sila ng buwis ng taumbayan. Samantalang kami sa BITAG, hindi pasahod ng gobyerno, libreng tumutulong para sa ikaaayos ng problema. 

Ano kaya sakluban ko ng orinola sa ulo ang PIO n’yo? Pambuwisit ko lang din, baka sakaling mahimasmasan at ma-realize ang ibig sabihin ng SERBISYO PUBLIKO?

Lilinawin ko Mayor Lino, hindi ikaw ang target ko ha. ‘Yang mga palpak na mga tao mo na tila sangkaterbang engot para sumagot ng simpleng tanong ukol sa ordinansa ng siyudad ng Taguig.

Ayokong magkumpara, pero sa totoo lang, milya-milya na ang layo mo sa ibang mayor nang malalaking siyudad.

Iba ang SHOWBIZ sa Serbisyo Publiko. Ang totoong paglilingkod sa bayan, AKSIYON ORA MISMO!

PUBLIC INFORMATION OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with