^

PSN Opinyon

Mahusay na imbentor pinagtatalunan pa nila

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI matapus-tapos ang debate ng mga Amerikanong gitarista kung sino ang mas mahusay, si Carlos Santana ba o si Eric Clapton? Ang mga enhinyero hindi magkasundo kung sino ang mas mautak, si Thomas Edison ba o si Nikola Tesla? Pareho silang nabuhay nu’ng siglo 1800-1900. Si Edison ang nag-imbento ng bombilya, phonograph at pelikula. Tinatanghal si Tesla (ika-163 birthday niya bukas), dating tauhan ni Edison, na pasimuno ng power system at mass communication. Nagpasiklaban sila kung kaninong imbensiyon ang mas mainam, ang direct current (DC) ni Edison o ang alternating current (AC) ni Tesla. Sa rurok ng kanilang “War of the Currents”, ipinakita ni Edison na maaaring gamitin ang kanyang DC (de-baterya) para sa silya elektrika. Pero naitayo ni Tesla ang kauna-unahang power plant, sa Niagara Falls, na gamit ang AC. Si Edison ang nagpailaw sa mundo; si Tesla ang nagpakalat ng kuryente. Sa tulong ng dose-dosenang alalay, nabuo ni Edison ang phonograph at pelikula. Sa sariling sikap, sinimulan ni Tesla ang prototypes para sa pag-transmit ng boses at tunog nang wireless. Kaya kinikilala siya ng mga umimbento ng radyo, telebisyon at cell phones. Pati ang modernong imbentor na si Elon Musk ay ipinangalan kay Tesla ang prototype niyang driverless car, bagamat ang baterya nito na solar-powered ay halaw sa researches ni Edison.

Isa pang genius nu’ng panahon nina Edison at Tesla ay si Albert Einstein. Mapurol siya sa Math nu’ng bata pa, pero matalas sa physics. Sa mga teyorya niya ng enerhiya at tulin naimbento ang space travel.

Nauna sa kanila nang ilang dekada si Charles Darwin­. Sa pag-aaral niya natiyak ang evolution ng mga hayop at halaman ngayon mula sa mga krudong cells. Nainspira niya si Jose Rizal mangolekta ng specimen ng mga insekto, prutas, at dahon habang exiled sa Dapitan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

JARIUS BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with