^

PSN Opinyon

Niloloko ang sarili

AKSYON NGAYON - Pilipino Star Ngayon

KAPAG kandidato ka sa isang posisyon at ipinagkakalat mong ang ganoon at ganitong partido ay sumusuporta sa iyo kahit hindi naman, sarili mo lang ang niloloko mo.

Nasabi ko ito dahil kamakailan, umulan ng denial state­ments mula sa tatlong political parties sa Kamara de Representante. Pinabubulaanan ang nilalaman ng isang multi-party manifesto na sumusuporta sa speakership bid ni Rep. Lord Allan Velasco. Kabilang sa mga partidong ito  ang mga miyembro ng PDP-Laban na partidong kinabibilangan mismo ni Velasco, ang Partylist Coalition at ang Nationalist People’s Coalition o NPC.

Paglilinaw ni  Ako Bicol Party List Cong. Alfredo Garbin, wala pang kasunduan ang 54 party-list solons kung sino ang susuportahang speaker. Kung pumirma man daw ang kanilang pinuno sa manifesto, ito ay kanya lamang sariling desisyon at hindi ng buong partylist coalition dahil kaila­ngan pa nilang magpulong tungkol dito.

“Unfair” anang maraming party-list Solons na sabihin na si Velasco ang kanilang inindorso kung ito’y personal na desisyon lang ng isa sa kanilang kasapi kahit ito pa ay kanilang leader. Maging si Senate President Tito Sotto ng Nationalist People’s Coalition ay nasorpresa sa lumabas na manifesto. Sinabi niyang wala pang desisyon ang NPC tungkol sa speakership. Sariling desisyon lang daw ng da­lawang NPC solons na pumirma sa manifesto at hindi ng buong NPC dahil patuloy pa ang kanilang konsultasyon kung sino ang susuportahang speaker.

Inamin naman ni Albay Rep. Joey Salceda na walang ginawang konsultasyon sa mga miyembro ng PDP-Laban. Mahalaga aniya na hindi lamang ang mga lider ng PDP-Laban ang magdesisyon kundi buong partido at lahat ng miyembro nito. Ayon naman kay Davao Cong. Pantaleon Alvarez, may kasunduan na hihintayin muna nila ang desisyon ni President Duterte kahit sinabi nitong ayaw na niyang makialam sa usapin.

Marahil, ito’y isang strategy ng kampo ni Rep. Velasco na may kaunting grain of truth pero kasinungalingan pa rin dahil hindi naman talaga kumpletong totoo. Ayan at nagba-backfire tulong sa inyo. 

HOUSE OF REPRESENTATIVES

POLITICAL PARTIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with