^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming health centers na walang malinis na toilets

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming health  centers na walang malinis na toilets

HINDI lang pala mga bahay sa mga liblib na baran­gay ang walang sariling toilet, pati rin pala mga health center ay wala rin. At kung mayroon mang toilet sa health centers, marumi naman ito. Walang tubig kaya nanggigitata! Yaaak!

Masyadong miserable ang kalagayan ng mga health centers sapagkat pati ba naman toilet ay pinagkakaitan pa. Mapapatawad na ang health centers na walang mga pangunahing gamit pero ang kawalan ng simpleng malinis na toilet ay wala, para bang napakahirap pa sa daga ang bansang­ ito.

Naturingan pa namang health centers pero walang malinis na toilet ay para bang hindi katanggap-tanggap. Sana ito ang unahing gawin para naman hindi kakalat-kalat ang dumi na posibleng pagmulan ng mga sakit. Ang maruming toilet ang kadalasang pinanggagalingan ng mga sakit na gaya ng diarrhea, cholera at iba pang nakahahawang sakit.

Ayon sa World Health Organizations (WHO) at UNICEF, tatlo sa 10 health centers sa bansa ang walang malinis na toilets at ang matindi, walang toilet ang karamihan sa mga ito. Nabatid ng WHO at UNICEF na karamihan din sa mga health centers­ ay walang supply ng malinis na tubig. Paano raw makapagbibigay ng may kalidad na pag-aalaga ang mga health centers kung mismong toilet at marumi at ang ilan ay wala ngang toilet. Napa­ka­imposible umano na mai-promote ang mahusay na kalusugan sa mamamayan kung walang tamang sanitation sa loob ng health centers.

Napakamiserable ng kalagayang ito. Hindi na  kataka-taka kung bakit marami ang nagkakasakit.Sana, maisaayos ang problemang ito. Huwag nang hintayin pang marami ang magkasakit at mamatay dahil sa karumihan. Ang Department of Health (DOH) ang nararapat manguna rito. Kilos DOH para sa kapakanan ng mamamayan!

HEALTH CENTERS

TOILET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with