Criminal record sa jaywalkers
HINDI biro ang bilang ng mga taong naaksidente dahil sa pagtawid sa mga ipinagbabawal na lugar.
Nagpapakita ito ng kawalan ng disiplina nating mga Pinoy. Nagtayo na nga ng mga foot bridge para maiwasan ang pagtawid sa mga abalang lansangan, pilit pang tumatawid sa daan ang marami.
Minsan nga ay naglagay pa ng billboard na doo’y nakasulat “Bawal tumawid, nakamamatay” pero sige pa rin ang mga taong matitigas ang ulo. Kapag nabundol o nasagasaan, ang pobreng driver ng sasakyan pa ang nadedemanda at nagbabayad ng danyos.
Kapag minalas at namatay ang biktimang lumabag sa batas, ang driver ay mabilis arestuhin at isasakdal ng reckless imprudence resulting into homicide. Magbabayad pa ng danyos perhuwisyo.
Pero kung tutuusin, maingat naman at maayos magmaneho ang driver, kaso, may bigla na lang tumawid sa kanyang harapan. Wala ako makitang kasalanan ni Mamang Tsuper.
Palagay ko, dapat gumawa ng batas na magpapawalang sala sa driver na makakasagasa sa mga lugar na itinakdang bawal ang pagtawid. Maganda ang proposal ng Metro Manila Development Authority. Magkakaroon ng criminal record ang sino mang makakasuhan ng jaywalking. Tama. Marahil, marami na ang natatakot mag-jaywalking dahil mahihirapan silang kumuha ng NBI clearance.
Isama na rin marahil ang mga minor offense gaya ng littering at iba pang kahiya-hiyang gawi ng mga kababayan natin para luminosity ang kapaligiran. Minsan kasi inaakala ng iba na maliit na pag laban lamang ang ginagawa nila kaya puwede nang gawin. Masagwang siste!
- Latest