^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ba’t Filipino at Panitikan ang napag-initan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ba’t Filipino at Panitikan  ang napag-initan

INALIS na ang temporary restraining order (TRO) sa mga subject na Filipino at Panitikan kaya tuluyan na itong aalisin sa kurikulum ng kolehiyo. Nasunod din ang gusto ng Commission on Higher Education (CHED) na alisin ang mga nasabing subject. Nakapagtataka kung bakit ang Filipino at Panitikan ang kanilang napiling alisin. Ayon sa CHED, napag-aralan na sa primary ang mga nasabing subject at naging core subjects sa K-12 program kaya nararapat na hindi na isama sa kurikulum ng kolehiyo.

Hindi pa sapat ang napag-aralan ng mga estud­yante sa mga nasabing subjects kaya bakit aalisin. Sa kasalukuyan, may mga estudyanteng salat pa sa kaalaman sa Panitikang Filipino at kung aalisin ito sa kurikulum, lalo nang liliit ang tsansa nilang makahukay pa nang kaalaman ukol dito. Paano rin mahihikayat ang mga estudyanteng may talento sa pagkatha ng mga akdang pampanitikan kung aalisin ito.

Ang pag-aalis din sa mga nasabing subject ay paglabag din sa nakasaad sa batas na dapat palawakin ang pag-aaral ng Filipino. Kapag hindi na itinuro ang Filipino at Panitikan, maaaring matulog na ang sariling wika at hindi na ito kakalat pa. Paano na ang hinaharap ng wika kung ganito ang gagawin? Nakadidismaya na ang pagtuturo sa sariling wika pa ang napagdiskitahang alisin.

Paano na rin ang kalagayan ng mga guro sa Filipino at Panitikan? Saan sila pupulutin nga­yon? Parang inalisan na sila ng karapatan sa ginawa ng CHED. Saan hahantong ang kawawang mga guro ng Filipino at Panitikan?

Sumasaludo naman kami sa mga unibersidad na nagpahayag na itutuloy nila ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan sa kabila na inalis na ang TRO rito. Patuloy pa rin nila itong isasama sa kurikulum. Ang dalawang unibersidad na patuloy na ituturo ang Filipino at Panitikan ay ang University of Santo Tomas at University of the Philippines. Sana may iba pang unibersidad at kolehiyo na gumaya sa kanila.

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with