^

PSN Opinyon

Mga colorum van may PRESS ID!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NASAAN ang mga plaka ng mga sasakyan! Iyan ang palahaw ng car owners kay Transportation Secretary Arthur Tugade. Hanggang ngayon hindi pa nailalabas ang car plates  na kanilang binayaran ng P450.00.  Noong unang buwan nang pag-upo ni Pres. Rodrigo Duterte, mainit ang pagtuligsa sa car plates at driver’s license kaya na-ging mabilis ang pag-release ng license ID’s. Ang masakit hanggang ngayon, wala pa ang car plates na mahigit dalawang taon nang nakatengga. Tameme si LTO chief Edgar Galvante kaya kahit na sinong law enforcers ay nalilito kung ano ang colorum sa mga SUV na conduction sticker lamang ang gamit sa pamamasada. Kahit anong pagkilos ni LTFRB chairman Martin Delgra ay hindi masupil ang mga colorum.

At ngayong dagsa ang mga pasahero sa airport, pier at bus terminals tiyak na sasamantalahin na naman ito ng mga tusong drayber at operators ng mga van dahil hindi punado ang kanilang panghaharibas. Malamang hindi rin alam ni Tugade na karamihan sa mga van tulad ng Toyota Grandia, Starex, Innova at Urvan ay ginagamit din ng mga tusong drayber at operators sa turista.  Kinukutsaba ng mga tusong drayber at operators ang tourist guide ng tra-vel tour agencies sa pagpick-up ng mga turista sa airport terminals patungo sa mga hotel o hotel casino hanggang sa mga tourist spot katulad ng golf course and exclusive resorts. Mukhang hindi rin alam ni Tourism Sec. Wanda Corazon Teo ang modus ng travel tours kaya namama-yagpag ang mga colorum van. Kailangan bang magkaroon muna ng sakuna bago siya kumilos? Kapag nagkaroon ng trahedya tiyak apektado ang turismo at sasadsad na ang ekonomiya.

Para mapadali ang pagtumbok ni Tugade sa mga colorum, narito po ang tips: Ang mga van na colorum ay heavi­ly tinted ang mga salamin, may radio antena at may nakasabit na malalaking PRESS/MEDIA ID sa wind shield. O Sec Tugade, pakiunat na ang kinakalawang mong kamay na bakal kina LTO chief  Galvante at LTFRB chairman Delgra. Isama mo na rin ang PNP Highway Patrol Group nang masugpo ang mga colorum. Ang kawalan mo ng aksyon sa mga colorum ay nagbibigay ng hinala sa madlang people na may mga alipores kang nakikinabang dito.

Samantala, muli na namang umani ng karangalan si Bacoor, Cavite Rep. Strike Revilla. Ito’y matapos siyang gawaran ng Golden Globe Annual Awards for Filipino Achievers 2017 kung saan ay nabigyan din ng parangal nakaraan bilang Grandes Figuras o isa sa unang 100 na magagaling na indibidwal na nagbigay karangalan hindi lang sa Letran school kundi sa bansa. “Nagpapasalamat ako sa malaking karangal na ipinagkaloob sa akin ng Letran at Golden Globe annual award, makakaasa ang Bacooreño at mga kababayan nating Pilipino na ako po ay hindi magsasawa sa paglilingkod sa ating bayan upang matamasa ang masagana at matiwasay na pamumuhay,” sabi ni Revilla. Nanawagan din si Strike ng suporta mula sa mga kasamahan sa Kongreso upang mapadali ang pagpasa ng isinumite niyang House Bill 1674 o pag-utilize ng mga maaaring i-recycle na papel at iba pang waste materials ang mga eskuwelahan upang makatulong nang malaki sa kalikasan.

PRESS ID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with