^

PSN Opinyon

Kawawang Pag-asa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI na matutuloy ang plano ng ilang mambabatas na magtungo sa Pag-asa island para sa isang miting kung saan pag-uusapan ang mga isyu at problema sa karagatan. Itataguyod din sana roon ang “West Philippine Sea Development Authority”, na mamumuno sa pagsasaayos nang husto ng Pag-asa Island, para palakasin ang ating pag-aangkin sa nasabing isla. Pero hindi binigyan ng clearance ng militar ang mga mambabatas na lumipad sa Pag-asa. Ayon kay Lt. Gen. Raul Del Rosario ng AFP Western Command (WestCom), hindi nila magagarantiya ang kaligtasan ng mga mambabatas kung sakaling matuloy ang kanilang paglipad sa Pag-asa.

Ayon kay Del Rosario, kapag may eroplanong lumi­lipad sa nasabing karagatan, binabalaan daw ng mga Chinese. Minsan ay pinapuputukan pa raw ng flare. Puwede ba iyon? Hindi ba nalalagay sa peligro ang mga eroplano kapag pinapuputukan ng flare? Ganyan na ba ang sitwasyon diyan sa West Philippine Sea? Dagdag pa ni Del Rosario, ano ang ipapaliwanag nila kung bi­naril sila ng China. Ibig bang sabihin, may bantang naganap na kung saan pababagsakin na sana ang eroplano ng Pilipinas, maging militar o sibilyan?

Matagal ko nang naririnig na ito nga ang ginagawa ng China sa mga eroplano ng Pilipinas, pati mga pampasaherong eroplano. Ayon umano sa mga piloto, pinagsasabihan daw sila, pero hindi na lang nila pinapansin­. Hindi ito nauulat masyado sa media. Baka naman hindi napapag-usapan dahil “pinalalaki lang”. Pero eto, kinumpirma ni Del Rosario na binabalaan nga ng mga Chinese ang mga eroplanong lumilipad sa lugar.

Kawawa rin ang mga nakatira sa Pag-asa island. Nagtitiis sila sa napakakonti na maiaalay ng isla, pati na ang maliit na budget na ibinibigay ng gobyerno sa kanila, para lang itaguyod ang pag-aangkin sa lugar bilang teritoryo ng Pilipinas. Sa ngayon, kailangan nang ayusin ang paliparan sa Pag-asa. Pero siguradong wala sa plano ng administrasyong ito na gawin iyan, at ayaw galitin ang China. Kapag inayos nga naman ang paliparan sa Pag-asa, ang basa ng China rito ay inaangkin na talaga natin ang isla. Tandaan na hindi naman patas ang pag-iisip ng Beijing. Kapag South China Sea ang pinag-uusapan, walang saysay ang UNCLOS at anumang kasunduan o hatol na pabor sa atin. Kapag sila naman ang nahuhuling wala sa lugar tulad sa Benham Rise, karapatan daw nila ang “inosenteng paglayag”, at may pahintulot naman pala ni Pres. Rodrigo Duterte.

RAUL DEL ROSARIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with