^

PSN Opinyon

Laway lang ang puhunan sa Bumbay

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SIGURO mas mabuti pang sa Bumbay na lang ma­ngutang, kahit mas mataas ang interes o “5-6”, mas madali namang kumuha ng pera sa kanila --- walang kuskos-balungos. Basta’t nakikita nilang may pinagkakakitaan ang isang mangungutang kahit na munting negosyo lamang tulad ng karinderya, sari-sari store o ‘yung vendors sa palengke, wala nang “collateral” na hinihingi. Laway lang ang puhunan at makakapangutang na.

Naglaan ang gobyerno ng P1 bilyon para sa pro­gramang P3P para sa mga kababayan nating mahihirap, para hindi na sila mangutang sa mga Bumbay. Dito sa programang ito ng gob­yerno may mga papeles na kailangang ipresenta bago makakuha ng pera. Karamihan sa ating mga kababayan ay kulang sa hinihingi nilang mga papeles tulad ng sa banko. Tayong mga Pilipino ay gusto sa mas mabilis na proseso, kaya karamihan sa kanila ay pumapatol sa mataas na interest.  May kasabihan nga “ang taong gipit sa Bumbay kumakapit”.

Para sa akin maganda ang naisip ng gobyernong ito para makatulong sa ating mga kababayang mahihirap. Ako’y humahanga kay President Digong at dito makikita  na siya  ay tunay na “pro-poor­”. Nang bumisita sa ating bansa si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at kanyang asawa na si Akie, naimbitahan siya ni President Digong sa kanyang tahanan sa Davao City. Humanga si Abe sa simpleng pamumuhay ni Digong.

Ito ang ibig kong sabihin na “leadership by example­”.

LAWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with