^

PSN Opinyon

Bumaba ang bilang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGLABAS na ng mga datos ang DOH hinggil sa mga nasaktan noong selebrasyon ng bagong taon. Natutuwa silang ipaalam na bumaba ng 53 porsyento ang bilang ng mga nasaktan kumpara noong nakaraang taon. Umabot sa 384 ang naitala. Sa bilang na ito, apat ang sanhi ng ligaw na bala. At tulad ng inaasahan, karamihan ng mga nasaktan dahil sa paputok ay sanhi ng piccolo. Talagang may mga pasaway pa rin, o hindi binibigyan ng halaga ang mga babalang inilabas ng DOH hinggil sa piccolo.

Ayon sa DOH, maraming dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga nasaktan. Kampanya ng DOH, pagi-ging mahigpit ng PNP at tulong ng media sa paglabas ng mga impormasyon. Nagreklamo rin ang mga nagbebenta ng mga paputok na humina nang husto ang kanilang benta kumpara sa mga nakaraang taon. Maaaring mas marami ang nanonood na lang ng tinatawag na “community-sponsored fireworks” para hindi na sila gumastos, bukod sa siguradong ligtas. At marami na nga ang gumagawa na nito. Mga lokal na pamahalaan, mga mall, mga hotel, mga bakasyunan.

Pero sa kabila ng lahat na ito, ang nais pa rin ng DOH ay lubusang mawala na ang mga nasasaktan dahil sa paputok sa mga darating na taon. Pero hangga’t naipapasok pa ang mga bawal na paputok tulad ng piccolo, may masasaktan pa rin, dahil may bibili pa rin nito. Kaya ang pagpasok ng mga iligal na paputok ang dapat tutukan. May nakakapasok pa rin, dahil may nagbebenta pa rin ng kanilang kaluluwa sa mga negosyanteng walang pakialam kundi kumita.

At kahit apat pa lang ang naitalang nasaktan dahil sa ligaw na bala, apat pa rin iyan na nagpaputok ng baril ng walang saysay. Apat pa rin ang hindi nahuhuli para maparusahan. Apat pa rin ang hindi karapat-dapat humawak ng baril. Apat na buhay pa rin ang apektado nang husto. Ngayon, may panukala na dagdagan ang parusa para sa mga nagpapaputok ng baril. Dapat noon pa. Gawing mabigat na mabigat ang parusa, para magdalawang-isip ang mga pasaway. At bigyan rin ng pabuya ang mga magtuturo sa mga nagpapaputok, para lahat nagiging mapagbantay. Dapat matigil na ang mga iyan at taun-taon na lang ay may nabibiktima.

ANG

APAT

AYON

DAPAT

KAMPANYA

KAYA

MAAARING

MGA

NAGREKLAMO

PERO

RIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with