^

PSN Opinyon

‘LTFRB hotline, gumagana ba?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DAPAT magsampol ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga namimili, isnabero, nango­ngontrata at bastos na mga taxi driver.

 Lalo na ngayong kasagsagan ng Christmas rush, duma­dami rin ang mga mapagsamantalang kumag, kenkoy at kolokoy sa lansangan. 

Ang kakapal ng mukhang mamili ng mga pasaherong nag-aabang. Kung hindi nila tipong isakay, iisnabin, lalampasan.

 Ang iba naman talagang utak-dorobo. Papayag nga na ihatid sa destinasyon ang pasahero pero sa isang kondisyon. Hindi gagamit ng metro bagkus, kontrata.

 Ang boladas, out-of-way ang lugar, traffic o ‘di naman kaya pagarahe na kaya magdagdag nalang daw ng bayad.

 Ang pobre namang mananakay, dahil walang ibang masak­yan at maaaring hirap sa maraming bitbit na pinamili, mapipilitan nalang.

 Ito ang mga dapat tutukan ng LTFRB. Ang problema, may mga inilunsad na kung ano-anong “oplan” pero mukhang hindi yata umuubra.

 Kaya ang nangyayari, sa halip magsumbong ang biktima, tumatahimik nalang. Habang ang mga balahurang taxi driver tuloy lang sa kanilang katarantaduhan.

 Maraming mga taxi operator hindi alam ang ganitong asal ng kanilang mga empleyado. Kung maaaring alam man, pumipikit at nagtitikom nalang ng bibig basta may kita.

 Paglilinaw, lapit ang puso ko at kaming mga TULFO BRO­THERS sa mga taxi driver lalo na sa mga matitinong mabibilang lang ang kanilang bilang. Pero kung mali ang inyong mga pinaggagagawa, hindi namin kayo sasantuhin.

 Paging LTFRB, huwag na kayong maghintay pa na may mabiktima muna at magsumbong sa inyo bago kayo kumilos.

 Mas mabuting unahan n’yo na. Agresibong maglabas kayo ng mga pahayag o anunsIyo. Sinuman ang mga namimili, bastos, isna­bero at nangongontrata ng pasahero, turuan agad ng leksyon.

 Mangyayari lang ito kung kayo ay magbabantay sa mga lugar na pinag-aabangan ng mga pasahero, iba pa doon sa mga sumbong na ibinabato sa inyong hotline na gumagana ba?

 Nagtatanong lang po.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

AGRESIBONG

ANG

HABANG

ITO

KAYA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MANGYAYARI

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with