^

PSN Opinyon

Colorum

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGPIYESTA ang mga colorum van noong bespiras ng Undas kung kaya halos lahat nang bus operators ay abot langit ang hinagpis. Kasi nga nalugi sila sa kanilang regular na biyahe dahil inagawan sila ng mga colorum van. Ayon sa report na nakarating sa akin naglipana umano ang mga taga-akay na barkers ng mga colorum van sa mismong terminal ng mga provincial buses EDSA/ Pasay. Bulungan lang umano ang estilo ng mga barkers sa mga pasahero at oras na makumbinse ay dinadala nila ito sa mga iskinita o gasoline station na pinaparadahan ng mga colorum van. Natural marami sa ating mga kababayan ang nahihikayat sa matatamis na laway ng mga barkers kung kaya kakaunting pasahero na lamang ang napupunta sa mga may prankisa na buses. Ito ang hindi napagtuunan ng pansin ng mga taga-Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO). Nalusutan sila mga suki. Hehehe!

Masuwerte na lamang at wala akong nabalitaan na sakuna sa mga highways patungong probinsiya at pabalik ng Metro Manila dahil kung may sumemplang tiyak na puro imbestigasyon na naman ang gagawin ng mga ahensiya ng Department of Transportation ang Communication (DOTC). Subalit sa paglusot ng mga colorum van ang naapektuhan dito ay yung mga provincial buses dahil bukod kasi sa malaki ang kanilang gastusin sa krudo at suweldo sa mga empleyado malaki rin ang kanilang iniluwang datung sa additional permit at security guards. Kaya ang panawagan ng mga provincial buses operators kay DOTC secretary Jun Abaya, walisin ang mga colorum van dahil bukod kasi sa nakakatrapik hindi pa nakakasiguro ang mga pasahero na mababayaran sila ng danyos sakaling magkaroon ng trahedya sa daan. Kung gugustuhin daw umano ng LTFRB at LTO na sawatahin ang mga colorum madali lamang, unahin nila ang mga naglilipanang barkers sa mga bus terminal, lahat ng mga heavily tinted na van na may mga antena ay busisiin at maglatag umano ng mga checkpoint sa highways. May katwiran itong aking mga kausap dahil kung patuloy na magpakaang-kaang itong mga ahensiya ni Abaya tiyak na purnada ang pasahero pag nadisgrasya.

* * *

Espesyal kong inilaan itong pahina upang bigyan daan ang panawagan ng Jehovah’s Witnesses sa kanilang mga kasapi sa malaking pagtitipon. “Tularan si Jesus” na Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova, Nagpapatuloy! Tularan si Jesus - Bakit Kailangan Ito at Posible Ba Ito? Sinasagot ang tanong na ito sa tatlong-araw na kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova na nagpapatuloy sa ikalawang buwang serye nito sa Nobyembre 6-8, 13-15, 20-22 at 27-29, 2015 sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses sa Brgy. Kaligayahan Novaliches, Quezon City. Magkakaroon din ng kombensiyonsa Ynares Sports Center Antipolo City sa Nobyembre 27-29, 2015. Ang temang “Tularan si Jesus” batay sa sinasabi sa Lucas 6:40, ay maglalaan ng maaasahang patnubay at payo mula sa Banal na Kasulatan na mapapakinggan ng mga miyembro ng Pamilya. Tampok sa pagtitipon ang dalawang dramang isasadula na maglalahad ng kuwento sa Bibliya at ng makabagong-panahong kuwento. Sa araw ng Linggo, mapapakinggan ang pahayag pangmadla na may paksang “Pananaig ni Jesu-Kristo sa Sanlibutan - Paano at Kailan? at susundan ng panghuling konklusyong pahayag na may paksang ”Habang Papalapit ang Bagyo, Manatiling Nakatuon kay Jesus!” Magsisimula ang bawat sesyon sa oras na 8:20 ng umaga. Ito ay libre, walang koleksiyon at bukas para sa lahat. Isinaayos din ang mga katulad na pagtitipon sa iba’t ibang bahagi ng bansa at sa buong mundo.

ACIRC

ANG

ASSEMBLY HALL OF JEHOVAH

BAKIT KAILANGAN ITO

COLORUM

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

HABANG PAPALAPIT

ITO

JEHOVA

MGA

TULARAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with