^

PSN Opinyon

Gatchalian itutulak ang libreng ‘college education’ bilang solusyon sa kahirapan

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGSAING para kumain este mali naghain pala yesterday ng kanyang certificate of candidacy sa COMELEC si Valenzuela City Rep. Sherwin “Win” Gatchalian bilang kandidato sa pagka-senador sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition.

Sina Gatchalian at re-electionist Senator Tito Sotto, ang dalawang pambato sa senatorial race ng NPC, isa sa maimpluwensyang political party sa Philippines my Philippines na mayroong incumbent o kasalukuyang nanunungkulan na 40 congressmen, 14 governors, at 22 city mayors.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dala ni Win ang kanyang mahusay na ‘track record’ bilang three-termer mayor ng Valenzuela City at two-term congressman na sentro ang kanyang adbokasiya ang edukasyon na nakikita niyang solusyon sa kahirapan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  hinimok ni Gatchalian ang Kongreso na gawing prayoridad ang pagsasabatas ng panukala niyang “Free Higher Education Act” para tutulungan lalo ang mga mahihirap na students na matustusan ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumalabas na 47% ng madlang pinoy ay problema ang gastusin at mababang sahod kaya naman may mga hindi natatapos sa college ang kanilang mga anak.

Kaya naman birada ni Gatchalian, ang kanyang Senate legislative agenda, na sasabihin nito sa mga susunod na araw ay may kaugnayan sa surveys, ang usapin ng mataas na presyo ng mga bilihin, mababang suweldo at

?“Underemployment” ?na may malaki at direktang epekto sa mahihirap na pamilya.

Tirada ni Gatchalian, na marapat lamang para sa isang mambabatas, na tumatayong kinatawan ng madlang people, na maging prayoridad ang pagpasa sa “?Free Higher Education Act” bago magtapos ang kanilang third regular session.

Si Gatchalian ang siyang pangunahing may-akda ng House Bill 5905 na ito, na nagtatakda ng ?“?fully subsidize tuition fee” sa lahat ng state universities and colleges (SUCs) para sa mga kasalukuyan at susunod pang estudyanteng may magandang academic records at moral standing. Ang panukalang batas na ito ay aprubado na sa committee level.

Abangan.

NCRPO chief Pagdilao

DAPAT sigurong sorpresahin ni NCRPO chief Joel Pagdilao ang lahat ng police stations sa Metro - Manila para malaman niya kung pakuyako­ya­kuyakoy at puro pitsa lamang ang gimik ng mga malatubang police na nagtatabaan parang mga baboy sa kanilang mga tanggapan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan mag-inspeksyon si Pagdilao dyan sa MPD station 6 lalo’t rush hour para siya mismo ang makaranas ng grabeng traffic sa lugar ng police station.

Bakit?

Ginawang parking terminal ng mga sasakyan ang kalsada sa bisinidad nang presinto 6 kaya hanep as in hanep ang traffic dito kung lalo’t rush hour.

‘Kailangan ikutin ni Pagdilao ang lugar dahil may mga kalsada rito na isinara para sa vendors partikular sa tapat ng Sta. Ana Market.’ sabi ng kuwagong haliparot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginagawa ang left lane sa Suter st., kaya yong isang bahagi ng kalye ang nadadaanan pero bakit isinara ang kalye sa tapat ng palengke?

Ika nga, tambak vendors!

‘Magkano ang butaw na kinokolekta ng mga bugok na police todits?’ tanong ng kuwagong burungoy kawatan.

Abangan.

AGMA - MCI fund raising concert sa Greenhills

ILANG tulog na lang at maingay na este mali tugtugan pala para sa fundraising concert ng AGMA-MCI Alumni Association, Inc., ng Naujan, Oriental Mindoro, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, sa November 20, 2015, Friday, 8:00 PM, sa pangunguna ni Atty. Biyong Garing, pangulo ng AGMA - MCI.

Ang concert dubbed as SKETCHES OF JAMES, mga kantang pinasikat ni James Taylor, ay titirahin nina Atty. Bong Baybay, Mon Espia, Jimmy Bondoc, Paolo Santos at Noel Cabangon kasama ang Electric Tuesday Band.

Ang kikitain ng konsierto ay para sa additional sa ipinatatayong covered court upang magamit at mapakinabangan ng mga present and future students ng Agustin Gutierrez Memorial Academy (AGMA) na dating Mindoro Central Institute (MCI).

Sabi nga, mas magandang maging adik sila sa sports kaysa sa droga!

Umaasa si Kuyang Biyong sa pagtangkilik sa concert na ito mula sa mga alumni AGMA-MCI, sa mga kababayan niyang taga - Mindoro, sa mga brethren sa Freemasonry, mga kaibigan at mga kamag-anak.

Congrats Kuyang Biyong for a noble purpose.

Good luck ang pagbati ng Chief Kuwago sa maganda mong hangarin.

ABANGAN

ACIRC

AGUSTIN GUTIERREZ MEMORIAL ACADEMY

ANG

AYON

FREE HIGHER EDUCATION ACT

GATCHALIAN

MGA

PAGDILAO

PARA

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with