^

PSN Opinyon

Oplan ‘ilaglag si Poe’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MALAPIT na pala ang Senate Electoral Tribunal deliberation sa disqualification case na isinampal este mali isinampa pala ni Rizalito David versus Senator Grace Poe, kaya dapat magkaroon ng hiya ang ilang miembro nito sa Kongreso, hudikatura at dumistansiya o kaya mag-inhibit na lamang sila.

Sabi nga, dapat lang!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins ito iba sa situwasyon ng isang senador na inireklamo sa Ethics committee dahil walang maglalakas loob na manguna na imbestigahan ang kanilang kabaro o kasamahan hinggil sa mga asal o pinaggagawa nito kahit pa may kongkretong batayan, kaya hanggang ngayon wala pang chairman ng nabanggit na komite.

Bukod pa ito sa katotohanang may mga miembro ng SET na sinasabing may interes sa magkakaibang partido na gustong -gusto na wasakin o durugin si Poe upang tumaas ang tsansa na manalo bunga na rin ng kahinaan ng mga ito sa mga botante.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga miembro diumano ng SET na personal na konektado sa mga pulitiko at mga grupong maaaring makinabang kapag nanaig ang boto ng mga ito at sa asuntong isinampa laban kay Poe.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  si Senator Bam Aquino ay isa sa mga miembro ng SET na dapat mag-inhibit dahil erpat nito si Paul Aquino, na sinasabing isa sa mga pangunahing political adviser ni Secretary Mar Roxas.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isa pang miembro ng SET na si Senator Pia Cayetano ay kailangan din na mag-inhibit dahil balitang-balita na diumano iniaalok ng kapatid niya na si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang sarili kay Roxas bilang running mate nito.

‘Lalong - lalo  si Senator Nancy Binay dahil maliwanag naman ang dahilan at hindi na kailangan pang i-memorize’. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa panig naman ng kinatawan ng hudikatura sa SET, dapat ding mag-inhibit si Justice Antonio Carpio dahil masyado siyang close diumano kina Nonong Cruz at Simeon Marcelo na mga identified diumano alipores ni GMA at ngayon ay mga abogado na rin ni Roxas.
 Kung hindi mag-i-inhibit ang mga taong ito sa kaso ni Poe, kawawa ang madlang people!.

Abangan.

ANG

AYON

JUSTICE ANTONIO CARPIO

MGA

NONONG CRUZ

PAUL AQUINO

ROXAS

SABI

SECRETARY MAR ROXAS

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

SENATOR BAM AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with