^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pagkaraang alagaan ay pinatay lamang

Pilipino Star Ngayon

SAYANG ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga kay Pamana. Si Pamana ang Philip­pine Eagle na pinakawalan sa kagubatan ng Da­vao Oriental noong nakaraang Hunyo 12, 2015. Pinangalanang Pamana dahil Araw ng Kalayaan nang palayain at ibalik sa kagubatan. Pero masaklap ang nangyari dahil makalipas ang dalawang buwan, pinatay lamang siya. Natagpuan ang kanyang inuuod na katawan sa isang creek, may isang kilometro ang layo mula sa lugar na pinakawalan ito. May tama ng bala sa dibdib si Pamana. Isang airgun ang ginamit sa pagpatay. Ayon sa Philippine Eagle Foundation (PEF) biologists at forest guards, natagpuan nila ang katawan ni Pamana at nakakabit pa rin dito ang tracking device.

Sa ilalim ng batas (Republic Act No. 9147 or Wild­life Conservation and Protection Act) ang sinumang humuli o pumatay sa endangered species ay ma­ku­kulong ng anim hanggang 12 taon at multang P100,000 hanggang P1 milyon.

Noong 2012, isang nagngangalang Bryan Balaon ang pinagmulta  ng Malaybalay Regional Trial Court ng P100,000 dahil sa pagpatay at pagluluto ng isang Philippine Eagle.

Nakapagtataka kung bakit napakagaan ng parusa sa pumatay sa agila gayung nakasaad na makukulong ng anim hanggang 12 taon. Maliit lang din ang multa.

Hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang lumalabag sa batas at patuloy na may pumapatay sa mga endangered species dahil sa magaan na parusa. Kung ano ang nakasaad sa batas, ito ang ipataw para naman magkaroon ng hustisya.

Kung madadakip ang bumaril kay Pamana, dapat ipalasap sa kanya ang anim hanggang 12 taong pagkabilanggo para naman madama niya ang bigat ng nagawa.

Sa pagkakapatay kay Pamana, masisisi rin ang mga forest guards sa Davao Oriental dahil hina-yaan nilang makapasok sa lugar na iyon ang mga sira-ulong hunter na walang muwang (o mangmang) sa mga endangered species. Kulang din na­man ang DENR sa pagpapaalala sa mga tao ukol sa endangered species.

Hanapin at pagbayarin ang killer ni Pamana. Mag-offer ang DENR nang malaking halaga para mada-ling mahuli ang “baliw” na pumatay sa kanya.

ACIRC

ANG

BRYAN BALAON

CONSERVATION AND PROTECTION ACT

DAVAO ORIENTAL

MALAYBALAY REGIONAL TRIAL COURT

PAMANA

PHILIPPINE EAGLE

PHILIPPINE EAGLE FOUNDATION

PINANGALANANG PAMANA

REPUBLIC ACT NO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with