^

PSN Opinyon

Naparito sa sanlibutan ang ilaw

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

SA Marso 19 ay kapistahan ni San Jose, asawa ni Maria, patron ng ‘universal church’ at mga manggagawa na ipinahayag ni Pope Pius IX noong 1870.

Sumama nang sumama ang mga pinuno ng Juda, mga saserdote at mamamayan pati ang bahay ng Pangi­noon sa Jerusalem. Hinahamak nila ang mga sugo ng Panginoon sa pagmamalasakit sa Kanyang templo. Ang kasamaan nila ay winasak ang buong Jerusalem ng mga kalaban, nasakop sila at dinala silang lahat na bihag sa Babilonia. Ang kabutihan ng Diyos ay sinagip sila at pinapanibago ni Cirio, hari ng Persia. Kinasangkapan siya ng Diyos upang ibalik sila sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagkakabilango sa templo ng Jerusalem. “Kung ika’y aking lilimutin wala na’kong aawitin”.

Ang kabuuan sa panahong ito ng 40 araw ng pagha-handa sa Panginoon ay pawang pagbabalikloob sa Diyos, pagsisisi at pahingi ng kapatawaran. Ang tunay na Kristiyano ay pawang kapayapaan ng puso at isipan tuwing panahon ng Kuwaresma at lubusang nagbabalikloob sa Diyos, humingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan. Ang kapistahan ng Muling pagkabuhay ni Hesus ay kaugnay tayo sa muling pagkabuhay ng ating pagkatao sa pagsisisi sa nagawang kasalanan.

Masagana ang habag ng Diyos at dakila ang pag-ibig sa atin sapagka’t tayo ay binuhay Niya kay Hesus kahit na noo’y patay tayo sa ating pagsuway. Napakabait ng Diyos sa atin. Ang Kuwaresma ay panahon ng ating lubusang pagsisisi at pagpapanibago sa buhay na pawang kabutihan. Ang pagtataas sa Anak ng Tao (pako sa krus) ay pagpapahayag ng ating pananampalataya kay Hesus upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sinugo ng Diyos Ama ang anak Niyang si Hesus upang hindi tayo parusahan kundi iligtas.

Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangan itaas ang Anak ng Tao upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan”

2Cronica 36:14-16, 19-23; Salmo 136; Efeso 2:4-10 at Jn 3:14-21

* * *

Happy Birthday kina Nene A. Henson at Sr. Assumpta (Teresita) de Pedro Diocese of Malolos.

ANAK

ANG KUWARESMA

DIYOS

DIYOS AMA

HAPPY BIRTHDAY

HESUS

NENE A

PANGINOON

PEDRO DIOCESE OF MALOLOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with