^

PSN Opinyon

“Magtapatan Tayo!”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 ANG HUMAHARAP ng buong tapang ay walang itinatagong katotohanan na dapat katakutan.            

Sina Executive Vice President and Chief Operating Officer (EVP/COO) Mr. Gus Leonardo at Vice President, Sales and Marketing (VP-SMG) Mr.Vince Abejo ang nagsadya sa aming tanggapan upang sagutin ang ilang mga bagay na bumabagabag sa kanilang mga miembro na sumali sa kanilang komunidad.

‘Hindi kami ‘fly by night’ na mga developers. Hindi kami tatagal ng ganito kung manloloko lang kami ng mga kliente,’ mariing pahayag nila.

Taong 1999 nang magsimula ang Pro-friends sa paggawa ng mga subdibisyon at tahanan para sa mamamayang Pilipino. Sa kasalukuyan nakatapos na sila ng labing pitong proyekto at nakapagpatayo na ng 26,000 na tahanan.

Grupo ng magkakaibigan na dating magkakasamang nagtatrabaho sa isang developer ang nagtayo ng Pro-friends. Isa na rito si EVP/COO Leonardo. Ang kanilang layunin ay mabigyan ng tahanang abot kaya ang mga Pilipino.

“Ikinatutuwa namin na karamihan sa mga bumibili ng bahay sa amin ay mga OFW’s na alam nating ang perang ito ay kanilang pinaghirapan at pinagpawisan,” pahayag ni EVP/COO Leonardo.

Maliban sa pagtatayo ng subdibisyon gumagawa rin ng mid-rise condominium sa Santolan, Quezon City ang Pro-friends.

“Abot-kaya ang mga condominium na ito. Maliban pa sa pagtatayo namin ng bahay sa Manila. Sa kasalukuyan may siyam na on-going projects kami sa Pampanga, Iloilo at nakatakda kaming magbukas sa Cagayan de Oro,” pahayag ni VP-SMG Abejo.

Isa sa pinakamalaking proyekto na nagawa ng Pro-friends ay sa Cavite. Ang Cavite ang lugar na malapit sa lungsod. Sa halagang tatlong milyon may 80sqm ka ng lote. Ilang minuto lang ang biyahe nasa Maynila ka na. Maganda rin ang developer ng Cavite dahil naroon ang Slex, Aguinaldo Highway at Cavitex.

“Gusto rin naming mapanatili ang aming sinimulan. Hindi lang kami bumubuo ng subdibisyon kundi pamayanan. Nariyan ang adhikain naming makapagbago at maiangat ang kanilang buhay,” wika ni Leonardo.

Dagdag pa ni Abejo binibigyan din nila ng halaga ang pera ng mga tao. Mapapakinabangan ng kanilang mga mamimili ang mahigpit na seguridad, malapit na pamilihan at magandang edukasyon.

Dinisenyo rin nila ang mga tahanan upang makisalamuha sa kapwa ang mga residente. Bawat lugar din ay may nakatalagang mamahala upang mapanatili nila ang magandang kalidad ng mga tahanan.

“Kada tatlong taon naglalabas kami ng bagong modelo ng bahay depende sa pag-uugali ng mga Pilipino. Tulad ngayon na masyado ng maraming gadgets kaya’t ang mga saksakan ng kuryente ay inilagay namin sa gilid ng kama sa may lamp stand,” wika ni Mr. Abejo.

Bagamat ganito na ang estado ng pamumuhay ngayon naglagay pa rin ng espasyo ang Pro-friends sa likod ng bawat unit para makapaglaro ng malaya ang mga bata.

Sa kabila ng paghahangad ng Pro-friends na mapabuti ang kanilang pagseserbisyo may mga problema pa rin silang kinakaharap. Isa na nga rito ang tungkol sa pagbebenta nila ng unit ng wala pang License to Sell mula sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Ipinaliwanag ni Leonardo na may pagkakataong nangyari ito sa kanila subalit siniguro naman niyang pinoproseso na lahat ito. Alam nila na kailangan ito upang maproteksiyunan ang mga mamimili.

Ang tungkol naman sa reklamong hindi nila hinahayaang bumisita ang mga customer sa site ay para raw ito sa kaligtasan ng lahat.

“Gumagamit kami ng pricas panel at binubuhat yun. Pag hindi pa malinis ang lugar mahirap na may batang tumatakbo at baka madapa at tumama pa sa bakal. Ang mga Pilipino pa naman gustong buong pamilya kapag binibisita ang bahay na binibili,” paliwanag ni Mr. Leonardo.

Dagdag pa niya may mga ‘heavy equipment’ din na tumatawid kaya’t kailangang maitakda ang panahon ng pagbisita para maabisuhan nila ang ‘Engineering Department’.

“Binibigyan din sila ng pagkakataon na gumawa ng punch list o yung mga parteng sa palagay nila ay may problema. Tutulungan din sila ng isang engineer upang makompleto ito,” wika ni Mr. Abejo.

Hindi rin nila ikinakaila ang tungkol sa pagkakaantala ng pag-turn over ng unit sa mamimili. Nakatakda raw kasi ang paggawa ng bahay at hindi maaaring unahin ang ibang parte at maiwan ang ilan. Kailangan sunud-sunod ito.

“Aminado naman kami na nagkakaroon ng delay sa dami ng na-enganyo ng aming ginagawa, subalit hindi kami nagkukulang.

Kung tapos na ang kanilang pagbayad ng ‘equity’ at gusto na nilang lumipat, at dahil kinukumpleto pa nila ang bahay na napili ng kanilang kliyente, inaalok naming sila ng mas magandang unit. Hindi na naman namin sila sinisingil ng karagdagan,” Leonardo.

Nilinaw din nila na ang ‘in-house financing’ ay hindi nila ipinipilit. Nagsisilbi itong tagasalo kapag hindi naaprubahan ng bangko ang kanilang mga mamimili. Kadalasan daw kasing problema ay ang credit management findings lalo na sa mga credit cards. Nagkaroon na sila ng tala sa bangko.

Hinihikayat din daw nila na sa bangko mangutang ang mga mamimili dahil hindi naman sila ‘financing company’.

“Sa halip na napunta sa wala ang kanilang mga nahulog, kami na ang gumagawa ng paraan para mabayaran ito sa pamamagitan ng in-house financing, wika ni Leonardo.

May viral na video ang kumalat kamakailan tungkol sa isang babae na nagsisisigaw sa tanggapan ng Property Company of Friends Inc. (Pro-friends) sa Mandaluyong. Para linawain ang hindi pagkakaunawaang ito at para na rin sa kapakanan ng mga taong maraming tinatanong at isyu tungkol sa Pro-friends

“Napakasakit sa amin yun lalo na sa front liners. Tatlumpung tao ang pumasok. Una tahimik lang sila at bigla na lang nagsisigaw at nagde-demmand ng refund. Kinuha nila ang mga pangalan kasi may kakaibang mga ‘issue’ ang bawat isa at nararapat din ng katapat na solusyon ang mga ito,” ayon kay Abejo.

May rumesponde na rin daw na opisyal ng kanilang opisina at maging ang Punong Barangay ay dumating ngunit hindi nagmatigas ang grupo. Nagsara na ang kanilang opisina nanatili pa rin doon ang nasabing grupo. Hinayaan nilang bukas ang ilaw at banyo para magamit nila. Natalakay ko na ang iba pang kaganapan nung huling kolum ko.

Nang mailathala ko sa aking pitak ang tungkol sa usaping may nagkomento sa aking Official Page sa Facebook, ang www.face­book.com/tonycalvento na isang nagngangalang Rochelle Vicente na nagpahayag ng pagkadismaya dahil nagging ‘one-sided’ daw ang isinulat ko.

Itinawag ko ito sa tanggapan ng Pro-Friends at sinabi ni Abejo na nung araw ding yun nakatakda ng maayos ang mga hinaing ni Ms. Vicente.

Marami na rin na nagpunta sa aming tanggapan na humingi ng tulong mula nuon pa at hindi naman hinayaan ng kumpanyang ito na gawan ng paraan ang may batayan at ang iba pa nga ay nakakuha ng ‘full refund’ sang-ayon sa kagustuhan nila.

Sa ngayon. mas higit na lumawig ang Pro-Friends at pati Iloilo, Cagayan De Oro ay umaabot na sila para mas marami sa ating mga kababayan ang mabigyan ng kanilang tahanan, komunidad na kumpleto, tulad ng simbahan, eskwelahan at pati na rin isang ‘medical center’ bukod pa sa seguridad ng bawat lugar na kanilang ginagawa.

 Para sa anumang komento maaring magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

ABEJO

KANILANG

NILA

PILIPINO

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with