^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ihayag na ang kapalit ni Purisima

Pilipino Star Ngayon

HINDI na makababalik sa puwesto si Philippine National Police (PNP) chief Dir. General Alan Purisima makaraang suspendihin ng Office of the Ombudsman noong Huwebes dahil sa maano-malyang courier service contract sa Werfast Docu­mentary Agency noong 2011. Anim na buwan ang ipinataw na suspension kay Purisima dahil sa neglect of duty. Habang suspendido, hindi tatanggap ng suweldo si Purisima. Ibig sabihin, hindi siya susuweldo sa loob ng anim na buwan.

Pero hindi na masisindak si Purisima sa hatol ng Ombudsman sapagkat magre-retire na naman siya sa Marso 2015. Kaya ang hatol na anim na buwang suspension ay balewala na rin. Tatlong buwan na lamang siya sa puwesto.

Nang ibaba ang suspension kay Purisima ay wala siya sa bansa. Ayon sa report, nasa Saudi Arabia ang PNP chief. Hindi naman sinabi ang dahilan kung bakit nasa Saudi siya. 

Kakatwa ang nangyayari kapag mayroong sumasabog na kontrobersiya kay Purisima --- lagi siyang wala sa bansa. Nang umalingasaw ang kanyang mansion sa Nueva Ecjia, wala rin siya sa bansa at nasa United States daw. Hindi siya makausap tungkol sa isyu ng kanyang mga ari-arian. Nang pumutok ang tungkol sa mga nanghulidap na pulis sa EDSA, wala rin siya sa bansa. Ang spokesman lamang ng PNP ang nagbibigay ng pahayag at dismayado ang taumbayan sapagkat tungkulin ng hepe ng pambansang pulisya na sagutin ang may kaugnayan sa mga nangyayari sa kanyang pinamumunuang organisasyon.

Ngayong sinuspinde na siya, tiyak na hindi na siya makapagsasalita at maaaring ito naman ang gusto niya. Sa ganitong sitwasyon, dapat nang ihayag ni President Noynoy Aquino ang kapalit ni Purisima. Hindi maganda na walang pinuno ang PNP. Kailangang magkaroon nang mahusay na pinuno ang PNP para mahango sa nasadlakang putikan. Masyadong mababa ang imahe ng PNP sapagkat ang mismong hepe ay sangkot sa kung anu-anong kontrobersiya. Pumili na sana nang mahusay na hepe.

 

vuukle comment

GENERAL ALAN PURISIMA

NANG

NUEVA ECJIA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PURISIMA

SAUDI ARABIA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with