^

PSN Opinyon

Suhulan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATINDI  pala ang suhulan sa pagsasauli ng mga empty container sa Manila South Harbor at Manila International Container Port kaya dagdag na naman ito sa gastusin ng importers. Tumataginting na P1,500 kada container ang napupunta sa bulsa ng mga pusakal sa shipping yards nina International Container Terminal Services Inc., President Enrique Razon at Asian Terminal Inc., chairman Mr. Rashed Ali Hassan Abdulla at director/president Eusebio H. Tanco mula sa Customs broker sa pagsasauli ng mga empty container na siya namang pinapasang gastusin ng mga importers/businessmen sa ngayon, hehehe! Nagsimula ang kalbaryo ng mga brokers, importers at businessmen ng magkaroon umano ng kota ang pagsasauli ng mga empty container sa shipping yards sa South Harbor at MICP at balita ko isang alias “Jun” ang tumatabo ng paldo-paldong datung mula sa mga naghahabol na brokers at trucking firm sa deadlines ang pagsasauli ng mga container.

Kaya malinaw na ang sindikato sa Port Area ay buhay na buhay na naman at nananaba ang mga tiyan subalit unti-unti namang nalulumpo ang ekonomiya ng bansa. Sa palagay ko dapat nang kumilos itong si hugas kamay este Customs Commissioner John Sevilla sa pagsisikip ng kanyang kaharian. Kasi pumapayag naman pala ang Customs brokers na mailipat sa Batangas o Subic Free Port, Zambales ang mga kargamento nila upang maibsan ang pagsisikip ng mga container sa Ports of Manila. Ito’y mangyayari lamang kung may pag-aaral siya sa nagaganap na pagsisikip ng bulsa este container sa pamamagitan ng pagpulong sa brokers at importers. Ang masakit mukhang malaki ang napupuntang padulas ng mga shipping magnet na naghahari-harian sa South Harbor at MICP kung kaya hindi maimando ni Sevilla sa kanyang Customs collector ang diversion of shipment ng shipping lines. Magkano! Hehehe!

Ayon sa aking mga nakausap na brokers puwede naman nilang iparating ang kanilang kargamento sa Batangas Port kung ang importers ay nasa Calabarzon at ang para naman sa Central Luzon ay sa Subic Free Port, Zambales upang ang mga sa Metro Manila Area ay sa South Harbor at MICP na lamang. Pero dapat na i-improve muna ng shipping lines ang mga equipment na dalawang pier ng lalawigan.  Dapat din obligahin ni Sevilla ang mga  tusong shipping lines na ikarga o hakutin ng barko ang mga empty container pabalik sa port of origin ng mga container upang lumuwag ang port area. Panahon na sigurong kumilos si P-Noy na manduhan itong si Sevilla upang lumuwag naman ang daloy ng trapiko sa Roxas Boulevard,  Osmeña Highway, Road-10, C-3 at C-5 Roads. Dahil ang susi ng pagluwag ng trapiko ay nasa loob ng South Harbor, MICP at Harbour Center Port na sentro ng korapsiyon. Kung magpapatuloy ang pagbubulag-bulagan at paghuhugas kamay ni Sevilla sa congestion problem sa pier tiyak na bababa ang collection ng taxes at mabubundat ang bulsa ng mga talamak na towing companies ng city of Manila at mga tusong kawatan sa ICTSI at ATI. Abangan!

ASIAN TERMINAL INC

BATANGAS PORT

CENTRAL LUZON

CONTAINER

CUSTOMS COMMISSIONER JOHN SEVILLA

PORT

SEVILLA

SOUTH HARBOR

SUBIC FREE PORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with