Usapan ay tapusin, huwag bitin-bitinin
DUMAAN ka na ba sa medical test sa klinika ng iyong doktor, at sinabihan ng nurse na “Itatawag namin sa inyo ang resulta,” pero makaraan ang dalawang linggo ay wala pa ring tawag? Tapos magdududa ka kung nawala nila ‘yung blood sample, kaya mag-aalala ka na, maski sabihin nila na okey lang ang lahat, ay baka meron kang malalang sakit?
Napulot ko kay social activist Jerry Quibilan ang ilang simpleng alituntunin sa wastong pakikitungo sa kapwa. Kapag hindi mo tinapos ang sirkulo, ika nga, iniiwan mong nakabitin ang ibang tao. Hindi lang ito nakakagulo sa isip, nakakasira rin ito ng relasyon. Hindi nambibitin ng kapwa ang mga propesyonal at maaalalahaning tao. “Sinasara nila ang sirkulo,” ika nga ni Jerry. Payo niya, pag-aalala at disiplina lang:
Kapag pinadalhan ka ng imbitasyon, tumugon agad. Mahirap para sa mga nag-oorganisa na manghula kung dadalo ka o hindi.
Kapag may nag-text sa iyo at nakuha mo ang mga kailangang detalyes, ipaalam mo agad ito sa texter. Kasing simple lang ito ng “Kuha ko na, Kita-kits tayo.”
?Kapag nakatanggap ng e-mail na dapat i-forward sa iba, i-”cc” mo ang nagpadala para alam niyang tinupad mo na ang parte mo.
?Kapag ni-refer ka, ikuwento mo agad sa kaibigan o kaopisina kung ano ang naganap na meeting. Kasi gusto nilang malaman kung nakatulong sila o hindi.
?Kapag nangako, tumupad. Mag-double check, siguraduhin na alam ng lahat ng kasali sa usapan na natupad mo na ang papel mo.
Lahat ito ay pagtutupad ng golden rule: huwag gawin sa kapwa ang ayaw mong gawin sa iyo.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest