Aquino sisters hinay-hinay lang
DAPAT pag-isipang mabuti ng Aquino sisters ang kanilang pagkiling kay VP Binay para maging standard bearer ng LP sa pagka-presidente sa 2016. Marami ang naniniwala sa mga sinasabi ni P-Noy tungkol sa daang matuwid na “kung walang corrupt, walang mahirap”. Tiyak na hindi na mahirap ngayon si Binay pero nakakatiyak ba ang Aquino sisters na hindi siya corrupt?
Ang mahalaga raw sa Aquino sisters ay ‘yung close family ties nila sa mga Binay. Parang ang pahiwatig nila ay katulad ng nasabi noon ni Franklin D. Roosevelt na “the guy may be an SOB but he is our SOB”. Hindi bale na kung hindi siya matuwid at hindi bale na kung siya ay matakaw sa puwesto (VP na HUD secretary pa at OFW adviser pa, senadora si anak, kongresista si anak at mayor si anak) basta’t close siya sa pamilyang Aquino siya na ang dapat kapalit ni P-Noy.
Paano na ang kapakanan ng bayan? Paano naman si Mar Roxas na buo ang katapatan sa presidente at sa buong bansa, na walang record na corruption or greed for power.
Si Binay, ang mayor niyang anak at kanyang misis ay may mga mabibigat na kaso sa Ombudsman. Samantalang si Roxas at ang magandang misis niyang si Korina ay walang masamang record hinggil sa corruption or greed for power.
Wala akong balak noon na sumuporta kay Roxas pero umiiral ang pagka-Pilipino ko. I go for the underdog lalo na kung siya ay inaapi.
Napanood ko ang interview kay Roxas sa programa ni Winnie Monsod. Naipaliwananag na mabuti ni Roxas ang mga issue laban sa kanya. Siya ay Presidentiable talaga at wala siyang black aura of corruption, greed for power, etc.
- Latest