^

PSN Opinyon

Santisima Trinidad

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

IPINAHAYAG ng Diyos kay Moises ang Kanyang pa-ngalan: “Si Yahweh, si Yahweh, ang Diyos na maawain at mapagpatawad, banayad sa pagkagalit at sagana sa kabutihang-loob at katapatan”. Naganap ito sa Bundok ng Sinai kung saan ibinigay ng Diyos kay Moises ang  dalawang tapyas ng bato na nagsasaad ng Kanyang Sampung Utos. Papuri at ipagdangal ang Diyos magpakailanman!

Sa huling bahagi ng ikalawang liham ni Pablo sa mga taga-Corinto ay tagubilin niyang magalak tayo, maging ganap, magkaisang-diwa at mamuhay nang mapayapa, sapagkat sumasaatin ang pag-ibig at kapayapaan sa kagandahang-loob ni Hesus, pag-ibig ng Diyos at pakikisama ng Espiritu Santo.

Ganito kamahal ng Diyos ang mundo. Ibinigay sa atin ang Kanyang Bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Ang Santisima Trinidad ay ugnayan ng lahat ng mga sumasampalataya sa simbahan ni Hesus.  Sama-sama tayong nagpuri sa Diyos Ama natin. Hindi sinarili ni Hesus ang Kanyang Ama, kaya itinuro sa atin ang Kanyang panalanging “Ama Namin”. Ipagpatuloy natin ang paghingi ng kapatawaran kay Hesus na Siyang nagligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Krus at buhay. Ikatlo, simula hanggang wakas ay lapitan natin tuwina ang Espiritu  Santo.  Siya ang gumagabay at nag­bibigay sa atin ng liwanag sa puso at isipan.

Sa ating mga kasapi ng Kristiyanismo Katoliko, Aglipay, Greek Orthodox at Anglican, ang panalanging “Ama Namin” ay bahagi ng ating lingguhang pagdiriwang at nagkakaisa tayong dinadasal: “Ama namin. Sumasalangit ka ….Amen.” Nakapagtataka na ang ibang relihiyon ay hindi ito madasal nang sabay-sabay sa kanilang pagdiriwang! Bakit kaya? Baka naman ayaw nilang tularan ang ating pagdiriwang.

Ngayon po ang Araw ng mga Ama. Ipanalangin natin sila upang patuloy na pagpalain ng ating Ama sa Langit. Hingin natin sa Espiritu Santo ang liwanag sa kanilang isipan tuwina. Maging matatag nawa sila kanilang mga gawain at mapaglabanan ang mga tukso sa kanilang buhay lalo na ang mga nasa ibayong dagat. Happy Fathers’ Day!

(Exodus 34:4-6, 6-9; Daniel 3; 2Corinto 13:11-13 at Juan 3:16-18)

 

 

 

 

 

 

AMA

AMA NAMIN

ANG SANTISIMA TRINIDAD

DIYOS

DIYOS AMA

ESPIRITU SANTO

GREEK ORTHODOX

HESUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with