^

PSN Opinyon

Magtipid sa gastos sa ospital (Part 2)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

SA nakaraang kolum, nagbigay ako ng tips kung paano makatitipid: (1) alamin kung ano ang pangalan ng sakit, (2) alamin kung ano ang paraan ng gamutan, (3) magtanong sa doktor kung may mas matipid na gamutan, (4) I-xerox at itago ang lahat ng inyong records, at (5) maging masipag sa pag-follow up.

Ngayon naman ay magbibigay ako ng mga payo kung paano makalilikom ng pera.

1. Ayusin ang lahat ng papeles o requirements – Ka­ramihan ng gobyernong ospital at institution ay kailangan nang maraming papeles. Ihanda na ito ng maaga para makapasa sa charity services. Ang madalas hingiin ay ang medical abstract (humingi sa doktor o ospital), barangay clearance, ID picture, litrato ng bahay, at iba pa. Huwag iwawala ang kahit anumang papeles.

2. Sumulat sa PCSO – Sa Pilipinas parang PCSO na lang ang takbuhan ng lahat. Mas maigi sana kung may kakilala ka dito. Kung wala naman ay magtiyaga na lang at pumila. Kung kailangan n’yo ng operasyon, deretsoo na ang donation ng PCSO sa ospital. Kadalasan ay P10,000 to P15,000 ang naitutulong. Ang ibang budget ay sariling sikap na natin.

3. Pumunta sa gobyernong ospital – Para makatipid, pumila sa mga charity services ng gobyernong ospital tulad ng PGH, Phil. Heart Center, Jose Reyes, at Philippine Children’s Medical Center. Kung walang trabaho, puwedeng kayong malagay ng Social Services sa “Class D.” Ang ibig sabihin ay pinakamababa ang presyo ng gastos. Libre na ang mga serbisyo ng doktor.

4. Tumulong sa charity foundations, corporations at sponsors – Kung mapapansin n’yo, hindi ko sinulat na “humi­ngi ng tulong sa” kundi “tumulong sa” charity foundations. Alam natin na napakahirap humingi ng pera. Ngunit ayon sa Bibliya, kung tayo ay tutulong muna, posibleng matulungan din tayo sa ibang araw.

May isang pasyente akong nag-janitor sa isang charity foundation. Noong nagkasakit siya, libre ang lahat ng gamot niya. Magbigay na kahit kaunting regalo, litrato, prutas o religious card sa inyong balak lapitan na sponsor. Ipakitang mayroon din kayong ipapalit sa ibang araw, para lumaki ang tsansang mapakinggan kayo.

5. Magsikap at magdasal araw-araw – Dalawa ang sikreto ng mga taong matagumpay. Trabaho at dasal. Kailangan ipakita sa ibang tao na masipag ka. Kung tatamad-tamad ang magulang, walang gana ang sponsor na tulungan ang anak nilang maysakit. Ngunit kung kita naman nila na puspusan ang pagsisikap ng magulang, maaawa ang donor at puwede kayong tulungan.

Malaki ang maitutulong ng dasal. Hindi naman tayo bibigyan ng Diyos ng problema na hindi natin kayang lutasin. May dahilan ang lahat. Kahit ang pagkakasakit ay puwedeng maging daan sa pagkaayos ng pamilya, pag-iingat sa sarili at pagtulong sa kapwa. Labanan natin ang sakit. Kaya iyan!

CLASS D

HEART CENTER

JOSE REYES

KUNG

MEDICAL CENTER

NGUNIT

PHILIPPINE CHILDREN

SA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with