^

PSN Opinyon

ERC head ayaw nang sumunod

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DUMARANAS daw ng matinding pressure ang chairman­ ng Energy Regulatory Commission (ERC) na si Mona Dima­lanta. Pini-pressure raw siya ng kanyang mga boss na laging paboran ang gusto ng negosyanteng si Sabin Aboitiz. Dating amo ni Dimalanta si Aboitiz sa private energy sector at chummy-chummy sila noon.

Ngunit madalas daw ipatawag sa Malacañang si Dima­lanta at si Aboitiz na naglalahad ng mga panukala niyang mangyari na hindi matanggihan ng ERC boss dahil sa utos ng nakatataas. 

Si Aboitiz kasi ang lead convenor ng Private Sector Advisory Council na binuo ni Presidente Marcos sa pag­hanap ng solusyon sa mga problema sa enerhiya. Iyan ang dahilan kung bakit mahalaga ang mga proposals niya na tila ayaw sundin ni Dimalanta.

Hindi na raw niya magampanan nang maayos ang tung­kulin dahil dito. Kung political affiliation ang pag-uusapan, si Leni Robredo ang sinuportahan noon ni Dimalanta. Komo pumapalag na siya ngayon, di kaya lumalabas na ang totoo niyang kulay?

Mabuti at siya ang itinalaga ni President Bongbong Marcos sa ERC. Unity palibhasa ang battle cry ni BBM. Ngunit kung inaakala niya na mabigat sa loob niya na sumunod, mas mabuting magkusa na siyang magbitiw.

“Kung napapaso sa init, eh di lumayo sa apoy” sabi ng lumang kawikaan.

vuukle comment

ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with