Humanda sa giyera, umasa sa sarili (1)
SURIIN ang huling survey ng OCTA Research, Mar. 11-14, 2024:
- 76% ay nagtuturing sa China na pinaka-malaking banta sa seguridad natin. Ito’y dahil nilalantad na ng gobyerno ang pambubusabos ng China Navy at Coast Guard sa karagatan natin. Nilihim dati ito ng maka-China na Duterte admin.
- 91% ng Pilipino ay walang tiwala sa China. Bistado na kasi na walang isang salita ang komunistang pamunuan nito.
- 77% ng Pilipino ay handang lumaban kung magkagiyera.
Dapat na tayo maghanda sa giyera. Sasabog na ito. Palala kasi nang palala ang karahasan ng China.
Nu’ng May 19 inagaw ng China Coast Guards ang parachute drop ng Philippine Navy ng pagkain para sa Marines sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Nag-rubber boat ang Marines para sambutin sa mababaw na tubig ang mga kahon ng pagkain. Pero apat na dobleng laking rubber boats ng China ang pumalibot.
Parang mga patay-gutom na ninakaw ng Chinese ang pagkain. Itinapon sa dagat ang ilan, at inakyat sa barko ang natira.
Kinahapunan nu’ng May 19, kinailangan sunduin ang dalawang may sakit na Marines sa BRP Sierra Madre. Isinakay sila sa rubber boat ng Philippine Coast Guard. Biglang humarang ang dalawang dambuhalang armadong barko ng China Coast Guard. Binangga ng apat na Chinese rubber boats ang nag-iisang PCG boat para hindi maihatid ang mga may sakit sa barko ng Philippine Navy.
May 24, malapit sa Ayungin, binomba ng China Coast Guard ng water cannon ang isang bangkang kahoy ng mga mangingisdang Pilipino. Muntik ito lumubog. Hindi lang basta nananakot ang China; nais nito pumatay ng Pilipino. (Itutuloy sa Lunes)
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest