^

PSN Opinyon

Cabinet secretary malupit mag-interview

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang prangka ang isang Cabinet secretary kung mag-interview sa mga candidates for promotion sa kanilang departamento?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating Chief Justice Reynato Puno, Rev. Nerville Penalosa, Dr. Jean Dadufalza, Bro. Jimmy Tolentino ng Lipa City, Sis Loida Luces, Bing Eclipse, Tatay Pepito Vizarra ng Marinduque at Karen Carriedo.

Alam n’yo bang takot na takot ang officers ng isang departamento ng pamahalaan na mainterview ng kanilang secretary kapag sila ay nag-aapply ng promotion? Ayon sa aking bubwit, masyadong prangka ang opisyal sa kanyang mga tanong lalo na sa mga proyekto ng pamahalaan.

Halimbawa ng tanong ni Mr. Secretary sa senior officers ay ganito; Secretary: Sa tagal mo na sa gobyerno, tumanggap ka na ba ng lagay? Official No. 1:  Hindi po. Secretary:  Sinungaling! Hindi ka pwede.

Pagtanong naman sa isa pang candidate ay tinanong kung tumatanggap ng lagay. Ang sagot ay “Yes Sir, tumatanggap ako ng lagay.” Tanong uli ni Secretary ay idetalye raw kung paano at kung magkano ang tinatanggap na lagay? Matapos idetalye ni Secretary, sabi nito sa aplikante, “Naku, malaki na pala ang kinita mo. Mayaman ka na pala, hindi ka pwede rito.”

Dahil napakaistrikto ni Secretary sa kanyang mga tauhan ay nabawasan na ang corruption sa kanyang ahensiya ng halos 80 percent . Maganda ngayon ang kanilang image samantalang ang departamento niya noon ay isa sa mga pinaka-corrupt na ahensiya. Ang Cabinet secretary na marami ang pumupuri dahil sa mga ipinatupad na reporma ay si DPWH Sec. Rogelio Singson.

 

ANG CABINET

AYON

BING ECLIPSE

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

DR. JEAN DADUFALZA

JIMMY TOLENTINO

KAREN CARRIEDO

LIPA CITY

MR. SECRETARY

SECRETARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with