^

PSN Opinyon

Conference ng DBP officials, ginastusan ng P2.5-M

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang ginastusan ng isang government bank ang conference ng ilan nilang opisyal sa Bohol ng P2.5 million?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Fe Banta ng DZRH, Jose Marie Chan, Celeste Legazpi, Grace Consul, Romeo Baral, Benjie Velasco, Sonny Boticario at Morly Alinio.

Alam n’yo bang kontrobersiyal ngayon ang isang opisyal ng Development Bank of the Philippines (DBP) dahil sa sobrang hilig sa regalo. Ito yung mga tinatawag na “free loader.”

Ayon sa aking bubwit, meron nang naka-schedule na planning conference ng mga manager ng banko sa Davao City subalit bigla itong ipinalipat ni Sir sa Panglao, Bohol dahil ang may-ari ng tutuluyang resort-hotel ay kanyang kaibigan.

Kahit sobrang mahal ang bayad sa Belle vue Resort Hotel sa Panglao kumpara sa pagdarausan sana ng conference sa Davao City ay ipinagpilitan pa rin. 

Ayon sa aking bubwit, minaniobra ni Sir ang bidding sa Bids and Awards Committee para i-award ang kontrata sa paborito niyang hotel dahil pagmamay-ari nga ng kanyang kaibigan. Ang ginastos sa dalawang araw na Manager’s Conference noong March 6 at 7 sa Bellevue Resort Hotel ay humigit kumulang P2.5 million. Magkano raw ang komisyon ni Sir?

Ang matindi pa rito, para raw makatipid ang DBP nagbawas pa si Sir ng mga staff na kasama sa conference. Subalit ang malupit na insidente rito, ang ipinalit naman sa mga hindi isinamang staff ay kanyang pamilya. Isinama si misis at ilan niyang mga anak. Betcha by Golly Wow.

Mahiya ka naman daw Sir, ang taas-taas na ng suweldo mo, mahilig ka pa sa mga regalo. Alam ba ito ni Finance Sec. Cesar Purisima?

Ayon sa aking bubwit, ang opisyal ng DBP na mahilig sa lakwatsa at regalo ay si Mr. A. as in Angry Bird.

vuukle comment

ALAM

ANGRY BIRD

AYON

BELLEVUE RESORT HOTEL

BENJIE VELASCO

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BOHOL

CELESTE LEGAZPI

CESAR PURISIMA

DAVAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with