^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Solusyon sa overspeeding na pampasaherong bus

Pilipino Star Ngayon

KAHAPON, isang pampasaherong bus na naman ang kamuntik nang bumangga sa likuran ng isa ring pampasaherong bus habang nasa Commonwealth Avenue na tinaguriang “killer highway’’. Sixty kilometers per hour (kph) ang takdang bilis sa Commonwealth subalit nasa 70 o 80 kph ang takbo ng bus. Mabuti at walang nasaktan.

Dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng mga sutil na bus driver, isang solusyon ang naisip ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ay ang paglalagay ng speed limiting device sa lahat ng pampasaherong bus na bumibiyahe sa Metro Manila. Ayon sa LTFRB, kapag may speed limiter na ang bus, hindi na makapagpatulin ng takbo ang drayber. May itatakdang bilis ang LTFRB. Kapag daw lumampas sa takdang bilis, tutunog ang speed limiter. Ito ang hudyat para magpabagal ang drayber sa pagpapatakbo. Sa ganitong sitwasyon, maiiwasan ang aksidente. Sa Mayo 1, 2014 sisimulan ang paglalagay ng speed limiter.

Maganda ang naisip na ito ng LTFRB at sana ay eto na nga ang sagot para maiwasan ang sunud-sunod na aksidente sa Metro Manila at maging sa mga probinsiya. Noong Pebrero 7, nahulog sa isang bangin sa Bontoc, Mountain Province ang Florida Bus na ikinamatay ng 14 na pasahero. Mabilis umano ang bus kahit palusong at nasa kurbadang bahagi.

Noong Disyembre 16, 2013, nahulog sa Skyway ang Don Mariano Transit Bus na ikinamatay ng 18 pasahero. Ayon sa mga nakaligtas na pasahero, mabilis ang takbo ng Don Mariano na naging dahilan para mawalan ng preno at mahulog sa Skyway.

Ang tanong ngayon ay kung kailangan bang lagyan din ng speed limiter ang mga bus na ang drayber ay disiplinado, maingat at katamtaman ang pagpapatakbo? Gagastos pa ba ang kompanya ng bus sa mga speed limiter kahit marahang magpatakbo ang kanilang drayber? Sa aming paniwala, ang dapat maghigpit ay ang LTO at mismong may-ari ng bus company. Piliin ng bus company ang mga drayber na kanilang iha-hire. Yung may disiplina at kasanayan ang piliin.

Maghigpit ang Land Transportation Office (LTO) sa pagbibigay ng professional driver’s license sa mga aplikante. Isailalim sa matinding pagsasanay ang mga ito. Kadalasan, nabibigyan ng lisensiya ang mga mangmang na drayber kaya dinadala sa hukay ang mga pasahero.

AYON

BUS

DON MARIANO

DON MARIANO TRANSIT BUS

FLORIDA BUS

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with