^

PSN Opinyon

Huwag singilin ng tax si Osang

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

NAGHAIN ako ng resolution sa Kongreso noong Miyer­kules (Enero 22) para mabigyan ng well-deserved recognition si OFW Rosanna “Osang” Fostanes, the latest pride of the OFW world at ng sambayanang Pilipino. Si Osang ang napusuang iboto ng judges at milyun-milyung mga tagasubaybay ng “X-Factor” sa Israel bilang pinaka-magaling sa lahat ng mga lumahok sa Israeli version ng American Idol. Tinalo ni Osang ang maraming magagaling din na contestants na karamihan ay mga taga-Israel mismo. 

Tumayo ang mga balahibo ko habang pinakikinggan ang mga kinanta ni Osang, lalo na ang My Way. May mga kuwento na marami na ang nabaril sa videoke parlors sa Pilipinas matapos nilang kinanta ang awiting “My Way.” Ngayon, dapat wala nang barilan kapag may kumanta ng “My Way” alang-alang kay Osang na nagdulot sa ating lahat ng pambihirang pride, honor and happiness. Ang balak ko, kapag nagbakasyon sa Pilipinas si Osang ay isasama ko siya sa plenary session ng Kongreso para mabigyan ng isang standing ovation ni butihing Speaker Sonny “SB” Belmonte at mga kongresista.

Yayayain ko si BIR Commissioner Kim Henares na dumalo dahil pakikiusapan ko si Osang na kumanta ng “My Way” para masiyahan at ma-disarm si Commissioner ng sa gayon hindi na niya singilin ng income tax si Osang. Dapat naman talaga na idedma na lang ng BIR ang issue tungkol sa income tax ni Osang. Ang Israel nga ay inexempt si Osang sa  batas na nagbabawal sa kanya bilang caregiver na tumanggap ng ibang employment bilang singer o recording artist. Natatanaw ko na magiging bigtime international singing personality si Osang at kikita ng limpak-limpak na salapi. By that time puwede na siyang singilin ng income tax.

 

AMERICAN IDOL

ANG ISRAEL

COMMISSIONER KIM HENARES

KONGRESO

MY WAY

OSANG

PILIPINAS

SI OSANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with