^

PSN Opinyon

Bakawan: Seawall na, kabuhayan pa

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAPURI-PURI ang utos ni President Noynoy Aquino na taniman ng mangrove (bakawan) ang mga baybay-dagat. Hindi lang ito magsisilbing natural seawall laban sa tsunami, sea surge, at tidal wave. Magdudulot pa ito ng pagkain at turismo.

Pumulot ng leksiyon mula sa Prieto Diaz, Sorsogon. Dati nang makapal ang mangrove forest sa liblib na bayan, na nakaharap sa Pacific Ocean. Halos kalahating kilometro ang kapal ng mga puno, na kalahati ay nakalublob sa tubig-dagat sa high tide. Proteksiyon ito sa daluyong.

Nu’ng dekada-’80 “nauso” sa mga taga-baryo ang pagputol ng bakawan para gawing uling. Naghukay sila sa buhangin at ginawang ulingan, at naging mausok sa pook. Nangagkasakit sila sa baga. Wala silang pampagamot, dahil wala ring huli na laman-dagat sa kinalbong mangrove forest.

Kumilos ang ilang maka-kalikasan. Hinikayat nila ang konseho na ipagbawal ang pagputol ng bakawan. Inorganisa nila ang mga mag-uuling na magtanim ng iba’t ibang uri ng mangrove. Hindi nagtagal 700 ektarya na ang naibalik na mangrove forest.

Yumaman ang mga taga-baryo. Nagkaroon muli ng mga isda at shells sa paligid ng mangroves. Hindi lang ‘yon, dinadayo pa sila ng mga mag-aaral ng high school at college biology mula sa iba’t ibang pook ng bansa. Naging pension houses ang bahay ng mga dating mag-uuling.

Ito ang dahilan kung bakit nagpapatanim din ang batang Gov. Jayjay Suarez sa buong pampang ng higanteng probinsiyang Quezon, na nakaharap din sa Pacific. Gayundin sa kabilang bahagi ng Pilipinas, sa Batangas na nakaharap sa West Philippine Sea. At gay’un din sa Silay City, na nasa gitna ng Philippine internal waters.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

 

BATANGAS

DATI

JAYJAY SUAREZ

PACIFIC OCEAN

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PRIETO DIAZ

SILAY CITY

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with